• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PUBLIKO, BINALAAN NG DIOCESE OF NOVALICHES LABAN SA SCAMMER

NAGBABALA ang Diyosesis ng Novaliches sa mga mamamayan  kaugnay sa scammer na nagpapakilalang seminarista upang makakuha ng mga donasyon.

 

 

Sa inilabas na pahayag ng diyosesis umiikot sa komunidad ng Commonwealth sa Quezon City partikular sa Kristong Hari Parish at Parokya ng Mabuting Pastol ang nagpakilalang John Michael Castillo upang humingi ng tulong pinansyal para sa ordinasyon.

 

 

Mariing itinanggi ng diyosesis ang pagkilanlan ni Castillo at hinikayat ang mamamayan na maging mapagmatyag at ipagbigay-alam sa kinauukulan ang kinaroroonan upang mapigilan ang panloloko.

 

 

“Siya [John Michael Castillo] ay HINDI seminarista ng ating Diyosesis [Novaliches]; kung sakaling magpunta siya sa inyong komunidad, mainam na ipagbigay alam po kaagad natin sa barangay o pulisya,” bahagi ng panawagan ng diyosesis.

 

 

Maraming beses nang nagbigay babala ang simbahan hinggil sa suspek na gumagamit ng iba’t ibang pangalan para makapanloko sa kapwa gamit ang simbahang atolika.

 

 

Sa ulat na natanggap ng  diyosesis humihingi si Castillo ng donasyon para sa ordinasyon sa Marso.

 

 

Umiikot din ang suspek sa iba pang diyosesis lalo na sa Metro Manila sa kaparehong dahilan.

 

 

Mariing pinaalalahanan ng simbahang katolika ang mananampalataya na mag-ingat sa mga mapanamantalang indibidwal na ginagamit ang pangalan ng simbahan, cardinal, obispo o mga pari sa pangangalap ng donasyon upang makaiwas sa scam.

 

 

Kung makatatanggap ng mga solicitation letters lalo sa online mangyaring makipag-ugnayan at beripikahin sa tanggapan ng parokya o sa diyosesis kung lehetimo ang sulat na natanggap. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Ads April 16, 2021

  • Tsina, sinusubukan na pagwatak-watakin ang mga Filipino gamit ang iginigiit nitong “gentleman’s agreement”- NSC

    SINABI ng National Security Council (NSC) na ang salaysay ng Beijing ukol sa sinasabing ‘gentleman’s agreement’ sa West Philippine Sea (WPS) ay nakagagambala, nakalilito at naglalayon na pagwatak-watakin ang mga mamamayang Filipino. Kapuwa inihayag ng Tsina at ni dating presidential spokesperson Harry Roque, na ang sinasabing pagkabigo ng Pilipinas na sumunod sa di umano’y kasunduan […]

  • Exhibition fight ni Tyson kay Jones inilipat sa Nobyembre

    Inilipat sa Nobyembre 28 ang exhibition fight nina Mike Tyson at Roy Jones Jr.   Ang nasabing laban sana ay unang itinakda sa Setyembre 12 sa Dignity Health Sports Park sa California.   Ayon sa kampo ng dalawa, may mga pinaplantsa pa silang mga sponsors para sa nasabing laban.   Sasamantalahin din anila ang pagkakataon […]