• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Publiko pinag-iingat sa mga Istasyon ng EDSA busway

Nanawagan ang Department of Transportation (DOTr) sa mga pasahero na sumasakay sa EDSA carousel na mag-ingat matapos na may isang tao na wala sa tamang pag-iisip ang naghurementado na may dalang patalim.

 

 

Ang pangyayari ay naganap sa Istasyon ng Ortigas Avenue ng Edsa Carousel kung saan ang isang traffic marshal ay hinabol nito.

 

 

Kung kaya’t pinag-utos ni DOTr Secretary Arthur Tugade sa mga enforcement agencies na mas paigtingin pa ang mas mahigpit na seguridad at hikayatin ang publiko na maging alisto at ipaalam agad sa mga awtoridad kung may mga kahinahinalang mga gawain na kanilang nakikita.

 

 

Giniit ni Tugade sa I-ACT at Philippine National Police–Highway Patrol Group (PNP-HPG) na paigtingin pa ang kanilang security measures upang mabigyan ng proteksyon ang mga pasahero sa araw-araw nilang paglalakbay gamit ang sistema ng pampublikong transportasyon.

 

 

“The security and safety of our commuters are of utmost importance. We, at the DOTr are not only tasked to provide the public with convenience in their everyday commute. We also want to ensure their safety and security at the stations and while onboard passenger vehicles, in coordination with law enforcement agencies,” wika ni Tugade.

 

 

Nabahala si Tugade sa nangyari noong nakaraang Lunes ng may isang marshal ng Interagency Council for Traffic (I-ACT) ang hinabol ng isang lalaki na may sakit sa pag-iisip na may dalang patalim kung saan siya ay nanghihingi ng pera sa mga pasahero at tinatakot sila.

 

 

Ang lalaki na nagngangalan “Ariel” ay hinabol at tinakot ng patalim si I-ACT marshal SN2 Julius Gibran Abundol III ng Philippine Coast Guard’s Team Barracuda subalit na nadisarmahan din nila at napatahimik ang salarin sa tulong ng elemento ng PNP-Highway Patrol Group.

 

 

Ayon sa pahayag, si Ariel ay matagal ng nakikita na pakalat-kalat sa iba pang estasyon ng EDSA carousel at nangtatakot ng mga pasahero. Napagalaman din na kanyang ginugulo ang operasyon ng mga buses sa EDSA carousel.

 

 

Hinikayat din ni Tugade na maging alisto ang riding public at aktibong makisama sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa mga transport stations at hubs at habang nakasakay din sa mga pampublikong sasakyan.

 

 

“You are our partners in keeping our transport systems operating at its most efficient levels daily. Peace and order are major components of these systems. Report to authorities any suspicious incidents that may cause harm and disrupt the operations of our transport system. Your cooperation is important,” dagdag ni Tugade. (LASACMAR)

Other News
  • Kinatay na motorsiklo natunton dahil sa social media

    SA tulong ng kanyang Facebook at social media account, naaresto ang isang suspek at natunton ang kanyang tinangay na motorsiklo sa Bacoor City, Cavite Linggo ng hapon.     Kasong paglabag sa PD 1612 (Anti-Fencing Law) ang kinakaharap ng suspek na si alias ‘Jack’ nasa wastong edad dahil sa reklamo ni Rodrigo Navarette Jr y […]

  • OSCAR®-WINNING SCREENWRITER DIABLO CODY ON “LISA FRANKENSTEIN,” A TEEN HORROR-COMEDY AND COMING-OF-RAGE ROMANCE STARRING KATHRYN NEWTON, COLE SPROUSE AND LIZA SOBERANO

    “I have always toyed with themes of transformation and reinvention,” says screenwriter Diablo Cody, who catapulted onto the Hollywood stage with 2007’s “Juno,” for which she won the Academy Award, BAFTA and Critics’ Choice Award for best original screenplay.  “In everything I write, someone is going through a dramatic change, whether it’s becoming possessed by […]

  • Scariest Costume Award, napunta kina Miguel at Sofia: ALDEN at ANDREA, napiling ‘Best Dressed’ sa Halloween party ng GMA-7

    HINDI binigo ng Sparkle at GMA Network ang publiko dahil matapos ang glamoroso nilang GMA Thanksgiving Gala noong Hulyo ay nagpasabog silang muli sa pamamagitan ng The Sparkle Spell na isang Halloween party kung saan naggagandahan, nagniningning at nakakatakot na mga costumes ang ipinarada ng male and female Sparkle stars.     Ginanap ito Linggo […]