• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pukpukan na sa UAAP 2nd round

PAPASOK  na ang UAAP Season 84 men’s basketball tournament sa krusyal na second round.

 

 

Kaya naman inaasahang mas magiging matin­ding bakbakan ang masi­silayan dahil unahan na ang lahat ng teams para ma­kapasok sa Final Four.

 

 

Magsisimula ang se­cond round bukas tampok ang salpukan ng reigning champion Ateneo at La Salle sa alas-7 ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pa­say City.

 

 

Lalarga rin ang bakba­kan ng Nationa University at University of the Philippines sa alas-10 ng umaga kasunod ang duwelo ng Far Eastern University at Adamson University sa alas-12:30 ng tanghali at ng Uni­versity of Santo Tomas at University of the East sa alas-4:30 ng hapon.

 

 

Namamayagpag ang Blue Eagles na hawak ang solong pamumuno ma­­tapos ang seven-game sweep sa first round.

 

 

Ngunit para sa Ateneo, kailangang pa ring pumukpok sa second round upang maabot ang inaasam nito.

 

 

“I think every game’s really going to be a dogfight. We’re not looking at our re­cord, how many wins we have. That’s something we’ve been stressing to our players even in this game. The game’s not yet over,” ani assistant coach Sandy Arespacochaga.

 

 

Nakabuntot sa ikalawang puwesto ang Fighting Maroons na may matikas na 6-1 baraha at ikat­lo ang Green Archers na hawak ang 5-2 marka.

 

 

Nasa Top 4 ang Bull­dogs na may 4-3 rekord ka­­sunod ang Tamaraws (3-4), Growling Tigers (2-5), Soaring Falcons (1-6) at Red Warriors (0-7).

Other News
  • INTERNATIONAL RECOGNITION

    Ipinagkaloob nina Gob. Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro ang plake ng pagkilala mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa DYCI Creatives Team mula sa bayan ng Bocaue sa idinaos na Lingguhang Pagtataas ng Watawat sa The Pavilion sa Hiyas ng Bulacan Convention Center, Lungsod ng Malolos, Bulacan makaraang kilalanin ang lahok […]

  • VAN NI KIM CHIU, PINAGBABARIL SA QC

    KAAGAD pinawi ni Kim Chiu ang pangamba ng kanyang mga tagasuporta matapos ang kinasangkutang shooting incident sa van kung saan siya nakasakay bandang alas-6:00 kahapon ng umaga, Marso 4 sa bahagi ng C.P. Garcia Avenue, Katipunan Quezon City.   Sa kanyang Instagram post, inihayag ng 29-year-old actress na nagpapasalamat siya sa lahat ng mga nag-alala […]

  • P50K sahod kada buwan, hirit ng Pinoy nurses

    MULING nanawagan ang grupong Filipino Nurses United (FNU) sa gobyerno na pabutihin ang kundisyon ng mga nurse sa bansa, kabilang ang pagbibigay ng P50,000 basic salary kada buwan, upang mahikayat ang kanilang mga kasamahan na manatili sa Pilipinas.     Sa isang pahayag sinabi ng FNU ang hinihinging ‘entry salary’ na P50,000 sa pampubliko at […]