‘Pulang Araw’, ipapanood pa rin sa anak kahit kontrabida: DENNIS, hangang-hanga kay ALDEN na first time makatrabaho
- Published on August 24, 2024
- by @peoplesbalita
TINANONG si Dennis Trillo kung ano ang pakiramdam na makasama sa ‘Pulang Araw’ sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco at Alden Richards?
“Masarap yung pakiramdam na makatrabaho yung mga superstars, di ba? Feeling mo ka-level ka rin nila.
“Lalo na masarap makatrabaho ang isang Alden Richards, first time ko siyang nakatrabaho. Makikita mo talaga yung passion niya every time magkaeksena kayo, yung energy niya, energy level niya, parang hindi siya napapagod e.
“Talagang ibang klase din si Alden Richards,” bulalas ni Dennis na gumaganap bilang Colonel Yuta Saitoh ng Japanese Imperial Army.
“At siyempre, si Barbie at David, lalo na si Sanya. Masaya ako na makatrabaho sila ulit dahil nakatrabaho ko na sila noon, pero habang lumilipas yung panahon talagang nakikita mo yung growth nila.
“Si David, lalo na, talagang lagi rin niyang ini-improve yung sarili niya, malaking improvement na yung nakita ko sa kanya simula noon hanggang ngayon.”
Masama ang karakter niya sa serye, pero bilang tao at bilang si Dennis Trillo, ano ang natutunan niya sa pagiging bahagi ng ‘Pulang Araw’?
“Well, natutunan ko dito, ayun nga, bukod doon sa napakahirap na experience ng mga Pilipino nung panahon na yun,” tugon niya.
“Siyempre ayaw na natin mangyari yun, kaya iyon siguro, yung pag-iwas sa mga giyera sa buhay, maging peace-loving tayong mga tao, pahalagahan natin lahat ng mga tao sa paligid natin.”
Papayagan ba ni Dennis na panoorin ng mga anak niya ang ‘Pulang Araw’, gayung salbahe ang papel niya sa serye?
“Well, ako ni-recommend ko siya dun sa anak ko kasi high school siya e. So, makaka-relate siya dun sa tema ng history nung mapapanood niya.”
Pagpapatuloy pa ni Dennis, “Actually, yung Maria Clara at Ibarra pinanood niya din yun, dahil time din na pinag-aralan nila yung Noli Me Tangere nung pinalalabas yun.
“At ngayon, itong Pulang Araw siyempre ire-recommend ko rin sa kanya dahil wala rin siya masyadong alam dun sa mga nangyayari ng panahon ng Hapon e.
“Mabuti na mamulat siya dun sa mga katotohanang naganap noon, maganda man o hindi maganda, pero yun talaga yung history e.
“Iyon yung bumuo sa pagkatao natin e, kaya tayong mga Pilipino ngayon may sariling kalayaan.”
Ano sa palagay niya ang magiging reaction ni Calix (na magsi-17 na sa September) , na anak nina Dennis at dati niyang karelasyong si Carlene Aguilar, pag nakita nito ang karakter niya sa seryeng mua direksyon ni Dominic Zapata?
“Oo, siyempre medyo matatakot siguro siya ng konti, kasi talagang wala pa talaga ako nakikita na matinong ginawa nung character ko dun sa Pulang Araw,” pakli ni Dennis, “pero sobrang proud ako dahil talagang… talagang binigay namin talaga lahat nung oras namin para paghandaan na maging maganda lahat ng dialogue at yung pagbuo ng character.”
Stepfather si Dennis ni Alex Jazz, sixteen years old, na anak ng misis niyang si Jennylyn Mercado sa dati nitong karelasyong si Patrick Garcia, at bunsong anak naman nina Dennis at Jennylyn si Baby Dylan, two years old.
Maraming umiidolo kay Dennis, na sanay siyang nakikita na positibo ang ginagampanang mga papel sa telebisyon at pelikula.
Pero heto nga at kontrabida siya sa Pulang Araw ng GMA; ano kaya ang maaaring matutunan ng mga manonood mula kay Yuta Saitoh?
“Siguro madadala lang nila sa mapapanood nila dun sa character na ginampanan ko ay yung determination niya na makamit o makuha yung isang bagay.
“Siguro iyon lang yung nakikita ko sa ngayon, sa lahat ng mga nagawa naming eksena. Yun lang. Tsaka yung… iyon lang e.
“Iyon lang talaga sa ngayon.”
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Kapalit ng pagod at puyat sa mga showbiz projects: ALEXA, mahilig talaga sa alahas kaya nireregaluhan ang sarili
MAHILIG sa alahas si Alexa Ilacad kaya bagay siyang endorser ng Manila Diamond Studio na may bagong branch sa 5th Floor ng Edsa Shangri-La Plaza Mall sa Mandaluyong City. Nireregaluhan raw ni Alexa ang kanyang sarili ng alahas kapalit ng pagod at puyat sa mga showbiz projects niya. “Yes, actually! Kaya […]
-
PBBM, gustong matapos ang 4 na high dams sa 2028
PARA TUGUNAN ang kakapusan sa tubig, nais ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na tapusin ng gobyerno ang konstruksyon ng ilang dams, kabilang ang apat na ‘high dams’ sa 2028, ayon sa National Irrigation Authority (NIA). Sinabi ni NIA Administrator Eddie Guillen na inaasahan ng Pangulo na ang apat na malalaking dams, ibig sabihin […]
-
Panuntunan sa paggunita ng Undas, inilabas ng Navotas
NAGPALABAS ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng mga panuntunan para maging ligtas ang paggunita ng Undas sa mga sementeryo sa lungsod ngayong taon. Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, bukas ang mga pribado o pampublikong sementeryo, memorial park, o columbarium sa Oktubre 30 hanggang Nobyembre 3, 2022. Aniya, upang maging maayos […]