• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pulis na bumaril-patay sa mag-ina sa Tarlac na si Jonel Nuezca, namatay sa loob ng NBP

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng pagkamatay ng dating pulis na si Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca.

 

 

Ang dating pulis ay ang pumaslang sa mag-inang Sonia at Frank Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac.

 

 

Kung maalala nakuhanan ng cellphone video ang komosyon sa pagitan ng mag-ina at Nuezca noong Disyembre 20, 2020 na naging ugat ng pagbaril ng pulis sa mag-ina.

 

 

Ayon kay Justice Undersecretary Deo Marco humingi na raw sila ng kopya ng investigation report mula sa Bureau of Corrections (BuCor).

 

 

Ayon kay BuCor Spokesman Gabriel Chaclag, namatay si Nuezca dakong alas-6:44 ng gabi kahapon araw ng Martes, Nobyembre 30.

 

 

Una rito, dinala pa raw si Nuezca sa NBP hospital dakong alas-6:30 ng gabi.

 

 

Sinabi ni Chaclag na bigla na lamang umanong bumagsak si Nuezca habang naglalakad sa labas ng kanyang dormitory building sa New Bilibid Prison (NBP).

 

 

Noong Agosto, hinatulang guilty ng Tarlac Regional Trial Court (RTC) Branch 106 si Nuezca dahil sa pagpatay sa mag-ina at pinatawan ng 40 taong pagkakakulong. (Gene Adsuara)

Other News
  • Empowering Film ‘She Said’ Based on True Events

    TWO-TIME Academy Award® nominee Carey Mulligan (Promising Young Woman, An Education) and Zoe Kazan (The Plot Against America, The Big Sick) star as New York Times reporters Megan Twohey and Jodi Kantor, who together broke one of the most important stories in a generation— a story that shattered decades of silence around the subject of […]

  • Djokovic pasok na sa quarterfinals ng French Open

    PASOK na sa quarterfinals ng French Open si Novak Djokovic.   Ito ay matapos talunin si Karen Khachanov sa score na 6- 4, 6-3, 6-3.   Ang world number 16 na si Khachanov ay siyang tumalo kay Djokovic noong 2018 Paris Masters.   Susunod na makakaharap nito ang sinumang magwagi sa pagitan nina Pablo Carreno […]

  • Maging proud and responsible pet parents: ALDEN, nananawagan ng ‘fair treatment’ sa mga Aspin sa campaign ng PAWS

    NANG lumabas ang campaign ng National Aspin Day, na ini-launch ng PAWS, kinatuwaan ang post ni Alden Richards, na “I Love (heart emoji) My Aspin” na kasama ang aso niyang si Chichi.       He is the newest celebrity spokesperson who will join Heart Evangelista in promoting aspins, na ini-encourage nila ang mga owners ng asong Pinoy […]