• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PULIS NA BUMARIL SA MAG-INANG GREGORIO SA TARLAC, MABUBULOK SA KULUNGAN

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Philippine National Police (PNP) na siguraduhing nakakulong si Senior Master Sergeant Jonel Nuezca at hindi makalalabas dahil ang nagawa nito ay ‘serious offense’, mabubulok ito sa kulungan.

Binaril ni Nuezca  nang tig- dalawang beses ang mag-inang Sonya Rufino Gregorio at anak nitong si Frank Anthony Rufino Gregorio, sa gitna ng argumento, dahil di umano sa “boga” at right of way. Ang insidente ay nangyari sa Paniqui, Tarlac nitong weekend.

“I’d like to call the PNP: Be sure that he is detained ha. He should not be allowed to go out kasi serious offense ‘yan. There’s no bail. So hindi maka-bail ‘yan. Diretso-diretso na ‘yan,” ayon sa Pangulo sa kanyang public address, Lunes ng gabi.

Para sa Pangulo, si Nuezca ay isa lang klase ng pulis na may sakit sa utak at may topak.

” And I was wondering why he was able to — nakalusot sa neuro. You could detect a person by the way he answers in a — ‘yung mga tests sa neuro. Tarantado ‘yung g*** na ‘yon,” diing pahayag ng Punong Ehekutibo.

Sinabi pa niya na kaisa siya ng mga pulis kung ginagawa ng mga ito ng tama ang kanilang tungkulin subalit kapag nakagawa ng mali ay kailangan lamang na pagbayaran ng mga ito ang kanilang nagawang kasalanan o kamalian.

Malinaw iyon na sinabi niya sa kanyang State of the Nation Address (SONA).

“Ang akin dito ulitin ko: Do your duty enforce the law. Your actions must be in accordance with the law. You do not follow the law, mag-salvage ka, magpatay ka diyan, then I’m sorry, that is not part of the agreement of how we should do our work.

Sinabi ko I think a dispute of land or boundary something — ah right of way. Tapos ano — parang itong… Kayong mga…,” ayon sa Pangulo.

Inamin ng Pangulo na mahal niya ang mga pulis subalit nilinaw nito na ang kanyang pagmamahal ay sa trabaho lang ng mga ito.

“You do something which is not — out of the ordinary just pulling a gun and shooting people, you must be… Eh ikulong ninyo ‘yon. Huwag ninyong bitawan ‘yang y*** na ‘yan. Hoy, kayong mga pulis ha mahal ko kayo kasi nagta-trabaho kayo. Nakita naman ninyo kung gaano ko kayo kamahal. I went to the extent of going to Jolo to just pay homage to the bravery of our policemen and soldiers,” ayon kay Pangulong Duterte.

Pero ibang usapan na aniya kapag ang pulis ay may sakit sa utak o may topak.

“And I am sure that by now, he should not be allowed to go out because double murder ‘yon eh. Double murder is a serious offense, a grave offense. So from the time you are arrested up to the time that you are haled to court to answer for the death of those two persons, innocent ones, walang bail ka. So ‘pag nahuli ka, diretso-diretso na ‘yan. And I don’t think that you can escape the rigors of justice because nakuha sa TV pati ako napanganga. Kawala walang kwenta,” aniya pa rin.

“You, you…  That’s unfair and brutal masyado. Kung ako ang nandiyan ewan ko lang. I don’t know pero I do not — I do not like oppression at ‘yang nag-ano ng tao — papahirapan niyo ang tao. Usually kasi itong pulis you tend to exhibit your authority even in matters not connected with police work. Iyong mga away-away,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.

Samantala, sa kanyang pagkakaalam ay karamihan sa mga mga pulis ay binubugbog ang kanilang asawa.

 

“So kung kayong na binubugbog ng asawa ninyo na pulis, pumunta lang kayo sa Malacañan kay ipatawag ko ‘yung pulis, bugbugin ko ‘yan sa harap mo para mag-demanda, ihulog ko na lang sa Pasig. Mga g*** kayong p***** i**,” giit ng Pangulo. (DARIS JOSE)

Other News
  • TOP 1 MOST WANTED NG NPD, ARESTADO

    Matapos ang mahigit dalawang taon pagtatago, naaresto na ng mga awtoridad ang Top 1 most wanted person ng Northern Police District (NPD) sa Caloocan City.     Sa report ni District Special Operation Unit (DSOU) head PLTCOL Allan Umipig kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Nelson Bondoc, kinilala ang naarestong suspek na si Benjamin […]

  • Pagkakawatak-watak ng PDP-Laban pabor sa oposisyon

    Ang pagkakawatak-watak ng ruling party na PDP-Laban ang makakatulong sa oposisyon sa 2022 national at local elections.     Sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, stalwart ng LIberal Party (LP), inaasahan na niya na patatalsikin si Sen. Manny Pacquiao bilang PDP-Laban president sa  darating na national assembly sa Hulyo 17 ng partido.     […]

  • PBA naghahanda na sa restart

    PINAPLANTSA na ng pamu­nuan ng PBA ang lahat ng kakailanganin sa pagbabalik-aksyon ng PBA Season 46 Governors’ Cup sa unang linggo ng Pebrero.     Wala pang eksaktong petsa na ibinigay ang PBA kung kailan ang resumption ng liga na posibleng maganap sa apat na v­enues na pinagpipiplian.     Ito ay ang  Smart Araneta […]