TOP 1 MOST WANTED NG NPD, ARESTADO
- Published on February 10, 2021
- by @peoplesbalita
Matapos ang mahigit dalawang taon pagtatago, naaresto na ng mga awtoridad ang Top 1 most wanted person ng Northern Police District (NPD) sa Caloocan City.
Sa report ni District Special Operation Unit (DSOU) head PLTCOL Allan Umipig kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Nelson Bondoc, kinilala ang naarestong suspek na si Benjamin Servano, 42.
Ayon kay PSSgĀ Allan Ignacio Reyes, alas-12:30 ng hapon nang madakip ang suspek ng pinalakas na Intelligence Driven manhunt operation ng NPD DID, kasama ang team ng RUI-IG-NCR, DID-NPD at DMFB-NPD sa pangunguna ni P/Major Amor Cerillo sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Umipig sa kanyang bahay sa Block 6 Lot 36 Tawilis St. Dagat-Dagatan, Caloocan city.
Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Rodolfo P. Azucena Jr. Presiding Judge ng RTC Branch 125 ng Caloocan city dahil sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Si Servano ay itinuturing na top 1 most wanted ng NPD matapos mapatay nito si Edgardo Buco noong December 30, 2018 makaraang barilin niya ang biktima sa Kawal St. Brgy. 28, Caloocan city.
Ayon sa suspek, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan nila ng biktima at pinagbantaan umano siya nito na papatayin na naging dahilan upang inunahan niya itong patayin. (Richard Mesa)
-
KELOT TIMBOG SA MARIJUANA
Arestado ang isang 28-anyos na lalaki matapos mabisto ang dalang marijuana makaraang masita ng mga pulis dahil walang suot na face mask sa Valenzuela city, kamakalawa ng hapon. Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at Art 151 ang suspek na si Kendrick Dolar, ng 1233 Medina St. Brgy. Gen. […]
-
No-Contact Apprehension Policy (NCAP), imbestigahan
NAGHAIN ng resolusyon ang isang mambabatas para paimbestigahan ang kontrobersiyal na No-Contact Apprehension Policy (NCAP) na ipinatutupad sa may limang siyudad sa Metro Manila. Sa House Resolution No. 237, sinabi ni Quezon City Rep. Marvin Rillo na importanteng masiguro na nababantayan ang karapatan at kapakanan ng mga motorista laban sa posibleng pang-aabuso sa […]
-
Ads November 18, 2023