• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pulis na dawit sa 990-kilo shabu na-contempt, kulong sa Senado

KULONG sa Senado ang pulis na dawit sa nakumpiskang 990 kilo ng shabu matapos patawan ng contempt ng Senate committee on public order and dangerous drugs.

 

 

Hindi nagustuhan ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ang tila pag-iwas sa katanungan ni PNP-Drug Enforcement Unit Special Ope­rations Unit chief Capt. Jonathan Sosongco, kaugnay sa pagkakasamsam ng 990 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.7 bilyon.

 

 

Sa pagdinig ng komite, hiniling ni Dela Rosa kay Sosongco na ibigay sa kanya ang numero ng kanyang impormante matapos tumanggi ang ibang pulis na sangkot sa mga operasyon na tumanggap ng tip sa 990 kilo ng shabu.

 

 

Sinabi ni Sosongco na wala na ang teleponong ginamit niya sa pakikipag-ugnayan sa impormante.

 

 

“Your honor, wala na po ‘yung cellphone ko na gamit po…’Yung cellphone na ginagamit sa trabaho hindi naman ito ang ginagamit. Wala na, your honor,” ani Sosongco.

 

 

Dahil dito, hiniling ni Dela Rosa kay Sen. Robin Padilla na gumawa ng mosyon para i-cite ng contempt si Sosongco.

 

 

“Sobra na itong panloloko na ginagawa sa atin dito. Nauubos na ‘yung oras natin dito,” ani Dela Rosa.

 

 

Sinuportahan ni Padilla ang panawagan ni Dela Rosa at naaprubahan ang mosyon. (Daris Jose)

Other News
  • Kaso ng COVID-19 sa Marso, 500 kada araw na lang

    INAASAHAN ng OCTA Research Group na ma­kapagtatala na lamang ng 500 kaso ng COVID-19 kada araw pagsapit ng kalagitnaan ng buwan ng Marso.     Sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na base ito sa kasalukuyang pababa na ‘trajectory’ ng mga bagong kaso kada araw. Nitong Linggo, nakapagtala na lamang ng 1,038 kaso sa […]

  • 70 patay sa airstrike ng Saudi sa detention center sa Yemen

    AABOT  sa 70 katao ang nasawi at mahigit 130 ang nasugatan matapos na tamaan ng airstrike ang detention center sa Yemen.     Ayon sa Doctors Without Borders na kagagawan ng Saudi-led coalition ang airstrike bilang opensiba laban sa mga rebelde sa Yemen.     Tumama rin ang isang airstrike sa telecommunication building sa Hodeidah […]

  • Pangingisda, pinapayagan na ngayon sa katubigan sa pitong bayan sa Oriental Mindoro

    IDINEKLARA ng oil spill task force na nasa “acceptable standards” na para sa  fishing activities ang municipal waters ng Clusters 4 at 5  sa bayan ng Oriental Mindoro na labis na tinamaan ng oil-spill.     Ayon sa isang kalatas na ipinalabas ng Presidential Communications Office (PCO),  ibinatay ng Task Force MT Princess Empress Oil […]