• September 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PSC 2021 BUDGET APRUB NA SA SENATE COMMITTEE

INAPRUBAHAN na sa Senate committee level ang proposed budget ng Philippine Sports Commission para sa 2021 sa ginanap na virtual hearing na pinangunahan ni Committee on Sports chairman, Senator Bong Go, kasama sina Senators Imee Marcos at Nancy Binay.

 

Sa kanyang opening state- ment, binati ni Go ang PSC dahil sa overall championship finish ng Team Philippines sa katatapos na 30th Southeast Asian Games.

 

“We ended 2019 on a high note because of that monumental win. Thanks to you and our national team,” wika ng Senator.

 

Dumalo sa virtual hearing sina PSC Chairman Butch Ramirez at Commissioner Ramon Fernandez, kasama si Acting Executive Director Atty. Guillermo Iroy na naglatag ng breakdown ng proposal na aabot sa kabuuang P207 Million na una nang dumaan sa pag-aaral at aprubal ng Department of Budget Management.

 

Nagsagawa naman ng hiwalay na proposal ang PSC para sa gagastusin sa preparasyon at partisipasyon ng bansa sa 2021 Tokyo Olympics at 31st SEA Games sa Vietnam na aabot sa halagang P250 Million, maging ang budgets para sa Paralympics, Asian Indoor and Martial Arts Games, Asian Youth Games and the Asian Beach Games.

 

Nangako si Go na hahanap ito ng paraan para tulungan ang ahensiya sa kanilang trabaho para sa national team. Ikinatuwa rin nito ang developments kaugnay sa preparasyon ng PSC sa National Academy of Sports.

 

Sunod na daraan sa plenary deliberations ang budget pro- posal ng PSC, ayon sa ulat.

Other News
  • Marcos Jr: Tiyaking may kasamang mga gamot ang relief package

    PINATITIYAK ni ­Pangulong Ferdinand R. Marcos nitong Martes ang pagbalangkas ng ­standard operating procedure (SOP) para sa pagsasama ng mga gamot sa mga relief pac­kage sa oras ng kalamidad at emergency.     Ayon sa Pangulo, ­ilang araw pagkatapos ng isang kalamidad, ang mga apektadong indibidwal ay naghahanap ng mga over-the-counter na gamot katulad ng […]

  • 10 lalawigan, ‘very high’ ang COVID-19 positivity rate

    SAMPUNG lalawigan sa bansa ang nakapagtala ng higit sa 20% o ikinokonsiderang “very high” COVID-19 positivity rate sa loob ng isang linggo, habang naitala sa 14% ang Metro Manila.     Tinukoy ni OCTA Research Group fellow Dr. Guido David ang mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Rizal, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Aklan, Antique, Capiz, at […]

  • Ads July 29, 2024