PUNONG BARANGAY, PUWEDENG MAGDEKLARA NG LOCKDOWN
- Published on March 26, 2021
- by @peoplesbalita
BINIGYAN ni Manila Mayor Isko Moreno ang kapangyarihan ng mga Punong Barangay sa lungsod na magdeklara ng “lockdown” sa kani-kanilang nasasakupang lugar sakaling tumaas ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19.
Sa ilalim ng Executive Order No. 12 na nilagdaan ni Domagoso, maaaring magdeklara ng lockdown sa kanilang lugar ang isang Punong Barangay kung ang aktibong kaso ng COVID-19 ay umabot na sa 10 at higit pa.
“Within three (3) hours from its issuance, the Order placing the barangay, or portion thereof, under Critical Zone Containment shall be forwarded to the City Mayor for his confirmation,” saad sa kautusan.
“The Punong Barangay shall give a two-day prior notice to his constituents and businesses/other stakeholders operating in the barangay,” dagdag pa ng EO.
Magsasagawa ng beripikasyon ang mga tauhan ng Manila Health Department (MHD) ang pagkakaroon ng mga aktibong kaso ng COVID-19 bago pa magsimula ang lockdown ng barangay.
Ayon sa Alkalde, ang lahat ng residente sa mga barangay na isasailalim sa lockdown ay mahigpit na pinagbabawalang lumabas ng kanilang bahay.
Gayunman, maaari lamang makalabas sa kanilang tahanan ang mga health workers, military personnel, service workers (pharmacies, drug stores, at funeral homes), utility workers (energy, cable, internet, telecommunication companies, water, sanitation, at critical transport facilities including port operation), essential workers (goods delivery, food delivery, banking at money services), barangay officials, at media practitioners na accredited ng Presidential Communications Operations Office and the Inter-Agency Task Force.
“Station Commanders of Police Stations covering the said barangays are hereby directed to employ and deploy officers and personnel in strategic locations and areas necessary for the effective implementation of the ECQ,” saad pa sa EO.
Matatandaan na nasa 29 barangay sa lungsod, isang kalsada, at isang cluster lockdown ang isinailalim sa apat na araw na lockdown ngayong linggo.
Sa pinakahuling datos ng MHD nitong Miyerkules, nasa 3,667 aktibong kaso na ng COVID-19 ang kanilang naitala na may kabuuang bilang naman na 31,383 ang nakarekober o gumaling sa nasabing sakit at may kabuuang 866 ang nasawi. (GENE ADSUARA)
-
MMDA, nag-deploy ng mga bus, military truck para sa ‘Libreng Sakay’
PINAIGTING ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang “Libreng Sakay” sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City upang ma- accommodate ang mas maraming mananakay lalo na ang mga estudyante matapos ang pagpapatuloy ng in-person classes. Sa isinagawang actual dispatch, sinabi ni MMDA Acting Chairman Carlo Dimayuga III na nag-deploy ang ahensiya […]
-
Mga artistang Bulakenyo,magpapamalas ng angking talento sa Sining sa Hardin: Bulacan Art in the Park
TATLONG araw na eksibit ang isinasagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office – Arts and Culture Division na pinamagatang “Sining sa Hardin: Bulacan Art in the Park at Konsierto ng mga Artistang Bulakenyo” mula Abril 14-16, 2023, alas 10:00 ng umaga sa Mini Forest sa Provincial […]
-
DepEd sinita ang corrupt allegation ni Pacquiao, sinabing ‘false accusation’
PINAGALITAN ng Department of Education (DepEd) si presidential candidate at Senador Manny Pacquiao sa pag-akusa nito sa ahensiya bilang “the most corrupt in government.” Sa isang kalatas, sinabi ng DepEd na ang di umano’y “wrongdoing unsupported by specific facts” ay katumbas ng false accusation. Sa isinagawang taped interview para kay KBP-Comelec […]