• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PUNONG kapasidad ng mga establisimyento, pampublikong transportasyon sa ilalim ng Alert Level 1, pwede na sa Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS- Maaari nang magbukas ang mga establisimyento at pampublikong transportasyon sa kanilang punuang kapasidad sa paglipat ng buong lalawigan sa Alert Level 1 simula Marso 1 hanggang Marso 15, 2022.

 

 

Ayon sa Executive Order no. 7, series of 2022 ni Gobernador Daniel R. Fernando o ang “An order adopting the guidelines on the implementation of Alert Level 1 in the Province of Bulacan from 01 until 15 March 2022 and for other purposes”, kailangang sumunod ng mga ahensya at instrumentalidad ng gobyerno sa 100 porsiyento ng on-site workforce.

 

 

Dagdag pa rito, lahat ng pribadong opisina at tanggapan ay maaari nang magpatupad ng kanilang 100 porsiyentong kapasidad, ngunit maaari silang magpatuloy sa flexible at alternatibong work arrangement ayon sa kanilang pangaingailangan.

 

 

Sa kabila ng maluwag na restriksyon, binigyang-diin pa rin ng gobernador ang pangangailangan sa pagsusuot ng face masks maliban kung kumakain at umiinom; sumasali sa mga team at individual sports sa mga lugar na mapapanatili ang pamantayan sa bentilasyon; at sa pagsali sa mga outdoor sport at exercise kung saan mapapanatili ang physical distance.

 

 

“Ito pong pagluluwag natin ay bunga ng patuloy na pagbaba ng mga kaso sa ating lalawigan. Gayunpaman, hindi ibig sabihin nito ay magpapabaya na tayo na para bang wala nang COVID. Mayroon pa rin pong COVID at kailangan pa rin po natin ng ibayong pag-iingat upang hindi na tayo muling bumalik sa paghihigpit na ating naranasan,” anang gobernador.

 

 

Kailangan magpakita ang mga indibidwal na edad 18 taong gulang pataas ng patunay na kumpleto na ang bakuna nila bago makalahok sa mga malalaking pagtitipon at makapasok sa mga indoor establishment, ngunit hindi naman ito kinakailangan para sa mga menor de edad.

 

 

Gayundin, hindi na kailangan ang mga health declaration form at contact tracing na sinasagutan sa papel, ngunit maaaring gamitin ng mga establisimyento ang StaySafe.ph na aplikasyon.

 

 

Tinanggal na rin ng gobernador ang oras ng curfew at modified liquor ban sa buong lalawigan.

 

 

Makikita ang buong sipi ng EO no. 7, series of 2022 sa opisyal na Facebook page ng gobernador sa https://www.facebook.com/govdanielfernando. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Ads May 23, 2024

  • Matapos ang serye ng rollback, presyo ng langis nakaamba na namang tumaas

    MAKALIPAS  ang halos dalawang buwan, nakatakda ang presyo ng langis para sa panibagong pagtaas, bago ang pagpapatuloy ng mga personal na klase at paghahanda para sa pagdagsa ng mga pasahero na inaasahan sa susunod na linggo.     Inaasahang tataas ang presyo ng diesel ng P2.50 hanggang P2.80 kada litro sa susunod na linggo, habang […]

  • Ads June 5, 2024