• March 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Puntiryang 10 million COVID 19 test, kayang makuha sa loob ng 1st quarter ng 2021

KUMPIYANSA ang gobyerno na kaya nitong abutin ang 10 milyong target na COVID 19 test sa first quarter ng kasalukuyang taon.

Sinabi ni Testing czar at Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon, halos nasa 7 milyon na ang sumalang sa COVID test at base sa kanilang pagtaya ay kaya namang makuha ang 10 million target test.

Sigurado  aniya siyang darami pa ang mga datos ng mga isinasagawang testing ngayong tapos na ang holiday season na bahagyang bumagal dahil na rin sa nagdaang break.

“Ang last na lang po sa testing, nasabi na rin po ni Spox Harry, nasa 6.83 million na po ang test natin, halos 7 million na tayo and very confident po tayo na maaabot na natin sa loob ng first quarter ng 2021 ang sampung milyong target nating testsj na tinarget natin noong nakaraang taon,” ayon kay Dizon.

“Okay, sa mga laboratoryo naman po at kasama po natin ngayon ang ating Testing Czar, mayroon na po tayong 199 labs. Accumulative number of tests conducted po ay nasa 6,822,163 – tumaas po ito ng five percent; ang ating positivity rate po ay 8.4%, pero ang 7-day average po natin ay 21.675 or 35%, ” dagdag na pahayag nito.

Malaki rin ani Dizon ang magagawa ng kaka- apruba lang na pooled testing para mapa- akyat pang lalo ang mga sumasalang sa COVID test sa mga susunod na araw.

Bukod pa dito ayon sa testing czar ang hinihintay na lang na approval para maikasa na din ang pagsasagawa sa bansa ng Saliva test na bukod sa hindi masakit ay abot kaya pa ang halaga.

“Tuluy-tuloy pa rin po tayo sa mataas na testing natin at pipilitin pa nating pataasin iyan lalo na ngayon na approved na ang pooled testing at hopefully, sa mga susunod na araw at linggo, maa-approve na rin ang saliva test,” aniya pa rin. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Russell Crowe Joins the Cast of Marvel’s Thor: Love and Thunder

    ANOTHER A-list celebrity joins the cast of Marvel’s Thor: Love and Thunder with the addition of Gladiator star Russell Crowe.     Joining Chris Hemsworth, who is reprising his role as the God of Thunder; Natalie Portman; and Christian Bale, who will be playing the villain.     Crowe’s role is being kept under wraps and the […]

  • Panukala na gawing mail at postal voting ang sistema ng halalan sa 2022, posible -Malakanyang

    POSIBLENG idaan sa mail voting at postal voting lalo na sa mga senior citizens at persons with disabilities o PWD’s ang gagawing botohan para sa darating na 2022 national elections.   Sinabi ni presidential spokesper- son Harry Roque, baka kailanganin ng bansa na magpatupad ng ganitong pamamaraan ng halalan kung saan ginagawa na rin aniya […]

  • HOUSE BILL 7034, ISABATAS

    Magsisilbing isang tulay na magdurugtong sa mga guro at sa ‘new normal’ ang pagpasa ng mga panukalang batas na makatutulong sa pagtugon sa hamon sa teknolihiya sa panahon ng pandemya, tulad ng House Bill 7034.   Naglalayon ang HB 7034 (Internet Allowance for Public School Teachers Act of 2020) na isinusulong ni ACT-Teachers Party-List Rep. […]