• May 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Punum-puno ng confrontation scenes: BEA, masaya na nakabalik sa drama series at muling makatrabaho si DENNIS

PUNUM-PUNO raw ng mga dramatic confrontation scenes ang upcoming series na ‘Love Before Sunrise’ na pagbibidahan nina Kapuso Drama King Dennis Trillo at multi-awarded actress and box office actress Bea Alonzo.

 

 

Dahil dito, masaya si Bea na makabalik sa genre ng teleserye na kung saan lubos siyang minahal at hinangaan ng maraming mga manonood.

 

 

“Kasi it’s also about betrayal, about heartbreak, about infidelity. I’m happy to be back doing drama,” pahayag ni Bea.

 

 

Reunion project naman ito ni Dennis at Bea sa loob ng dalawang dekada.

 

 

“Masaya ako na makatrabaho siya ulit. It’s an honor na makita at ma-experience ‘yung professionalism at ‘yung talent niya sa mga eksenang ginagawa namin,” lahad ni Dennis.

 

 

“Marami na kaming baon from our past experiences, from our past trainings. Ang sarap ulit siyang makita in this environment. He’s very collaborative as an actor so ang dali namin nagagawa ‘yung mga eksena magkasama,” paglalarawan naman ni Bea sa kanyang leading man.

 

 

Makakasama nina Dennis at Bea sa serye sina Sid Lucero at Andrea Torres.

 

 

Ang ‘Love Before Sunrise’ ay mula sa GMA Entertainment Group at ito ang pangalawang serye na bunga ng historic collaboration ng GMA Network at leading pan-regional over-the-top (OTT) video streaming service na Viu.

 

 

***

 

 

NAGHAHANDA na si Limitless Star Julie Anne San Jose para sa kanyang pagiging coach sa first-ever ‘The Voice Generations’ in Asia na mapapanood sa GMA.

 

 

“I have to be ready in all aspects because definitely, it’s gonna be a different one.”

 

 

Ito ang naging pahayag ni Julie Anne nang tanungin siya ng GMANetwork.com tungkol sa kanyang paghahanda bilang isa sa mga coaches ng naturang show.

 

 

Kuwento ni Julie, kailangan niyang maging handa sa lahat ng aspeto dahil batid niyang ibang klaseng trabaho ang maging coach ng mga talent sa isang malaking singing competition.

 

 

Aniya, “It’s gonna be a different attack, it’s a different experience.

 

 

“Because siyempre kapag nandu’n ka na you’ll be witnessing different people from different generations, and siyempre susubaybayan mo ‘yung journey nila.”

 

 

Dagdag pa niya, “Siyempre kikilatisin mo kung ano ‘yung mga strength and weaknesses ng bawat isa and talagang gugustuhin mo sila na mapunta sa team mo kasi nga ‘yun ‘yung feeling mo na kailangan nila kaya talagang ayun it’s gonna be a tough ride but an exciting one.”

 

 

Hindi naman itinanggi ni Julie na nakaramdam siya ng pressure sa mga kasama niyang coaches sa ‘The Voice Generations’ na sina Billy Crawford, SB19 member na si Stell, at ang Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda.

 

 

“Na-pressure ako kasi ewan ko ba talagang kapag kasi nakikita ko sila Kuya Chito, sila Billy tapos ‘yan si Stell, parang nakakapanibago kasi nga I really haven’t worked with them as in in one project,” ani Julie.

 

 

Kuwento pa niya, “I’ve worked with Stell sa All-Out Sundays, si Kuya Chito, we tried working on a song together but we never really met in person on the process. Si Billy naman, well noong Sugar Pop days parang ‘yun ‘yung pinaka-huling-huling memory ko sa kaniya that was like SOP days pa, which is a long time ago and wala lang kasi nasa-starstruck pa rin ako kasi dati pinapanood ko lang sila sa TV tapos ngayon makakatrabaho ko na sila as a coach.”

 

 

Pagdating naman sa game plan niya as a coach sa kanyang bubuuing team, “I really want to focus on each other’s strengths and weaknesses muna bago ako siyempre before jumping into the process or kung ano man ‘yung kailangan pang i-workout siyempre gusto ko rin na ibigay nila ‘yung best nila and talagang mag-shine sila not just individuals but as a group as well.”

 

 

Ang The Voice Generations ay ang newest spin-off ng biggest singing competition sa mundo na The Voice mula sa ITV Studios.

 

 

Mapapanood ito for the first time hindi lamang sa Pilipinas kung ‘di pati na rin sa buong Asya via GMA Network simula ngayong August 27.

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Ads January 16, 2020

  • SC kinatigan ang MMDA’s number coding scheme

    Inayunan ng Supreme Court (SC) ang kapangyarihan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magpatupad ng mga hakbang na makakatulong upang mabawasan ang trapiko sa Metro Manila tulad ng number coding scheme.     Sa isang 28-pahina na desisyon na pinagbutohan ng lahat ng mahistrado ng SC, kanilang binasura ang petition para sa paghinto ng […]

  • Ads May 29, 2021