• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pupunta si Kathryn pero ‘di invited si Daniel: Dream wedding ni BEA, siguradong tutuparin ni DOMINIC

AYON sa isang panayam, inamin ni Dominic Roque na nagpi-prepare na sila ni Bea Alonzo para sa kanilang kasal na mangyari na taong ito.

 

Mula nang pumasok ang 2024 ay nagsimula na sila ng kanyang fiancee sa kanilang wedding preparation, na kung saan pareho silang excited.

 

 

“The wedding is happening outside Metro Manila, the guest list is not yet complete, but our best friends, families, and relatives are going to be there.

 

 

“Next week, we’ll go full swing with the planning,” ayon sa naging pahayag ni Dominic.

 

Pag-amin pa ng aktor na may mga pagkakataon na naaasar daw sa kanya si Bea dahil feeling daw ng Kapuso actress ay hindi raw siya masyadong tutok sa preparasyon para sa nalalapit na kasal.

 

 

“Sometimes, she gets annoyed with me because she feels like I’m not too involved, but every woman has a dream wedding, and Bea has one.

 

 

“We’re just thankful that a lot of our friends are involved in this. It’s her dream (wedding) so I’m giving it to her, we’re doing it together,” paliwanag pa ni Dom.

 

 

Samantala, makikita sa kanilang Instagram ang photos at videos na kuha sa Sapporo, Japan, na kung saan enjoy na enjoy sila sa malamig na klima ng bansa.

 

 

Makikita rin na isinabit ng engaged couple ang kanilang “love padlock” sa malapit sa Fortune Bell ng dinadayong lugar.

 

 

“Dom and I decided to be cheesy and got ourselves a lovelock and put it on the railings,” caption ni Bea sa kanyang IG post.

 

 

Dagdag pa niya, “tinapon na namin yung key, pang forever na ‘to. Hahhahaha.”

 

 

***

 

 

SAMANTALA, sinagot ng aktor na si Kathryn Bernardo lang ang dadalo sa kasal nila ni Bea, dahil hindi raw imbitado si Daniel Padilla. .

 

 

Paliwanag ni Dominic, hindi pa raw sila okay ni DJ at hindi pa rin nag-uusap.

 

 

“Hindi naman kami… hindi pa kami okay ni DJ. I mean, we’re not talking since 2020.

 

 

“We haven’t seen each other for the longest time, since 2020.”

 

 

Itinanggi rin ni Dom na nagkita sila ni DJ sa FIBA. Ang tinutukoy raw nito ay si Marco Gumabao na kasama sa mga groomsmen niya, pati ang mga close friends na sina Patrick Sugui, at Khalil Ramos.

 

 

Hindi na siya nagbigay ng iba pang detalye sa nalalapit na kasal nila ni Bea, pero malamang ay magaganap ito sa ibang bansa.

 

 

At malalaman daw natin yun kung kailan at saan, sa mga darating na araw.

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • World Dragon Boat hahataw na sa Palawan

    AARANGKADA na nga­yong araw ang ICF Dragon Boat World Championships tampok ang matitikas na paddlers mula sa iba’t ibang panig ng mundo na sasabak sa Puerto Princesa Baywalk sa Palawan.     Pinakamalaki ang de­legasyon ng host Philippines na may 200 entries sa naturang torneo habang ikalawa naman ang India na nagpadala ng 140 entries. […]

  • Sa mga business ventures niya: YSABEL, naa-appreciate ang walang humpay na suporta ni MIGUEL

    ISA si Ysabel Ortega na marunong mag-invest sa negosyo upang mas mapalago pa ang kinikita sa pag-aartista. Hindi pa natatagalan noong nagbukas ng sarili nilang branch ng NAILANDIA nail salon and spa sa Il Terrazo, sina Ysabel, Sophia Senoron at Elle Villanueva, heto at nagbukas naman si Ysabel ng bakeshop na kasosyo ang ina niyang […]

  • 2 TULAK TIMBOG SA HIGIT P.6M SHABU

    MAHIGIT sa P.6 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak umano ng illegal na droga na naaresto sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela cities.   Ayon kay Caloocan police chief Col. Dario Menor, alas-12:50 ng Miyerkules ng madaling araw nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa […]