• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Pure online classes’ bawal simula ika-2 ng Nobyembre, sabi ng DepEd

NAGLABAS na ng school calendar and activities para sa school year 2022-2023 ang Department of Education (DepEd) sa bisa ng Order No. 34 s. 2022 nito — bagay na naglilinaw sa pagdating sa distance at blended learning maliban pa sa pagsisimula ng klase.

 

 

Ayon sa DepEd sa utos na pinetsahang ika-11 ng Hulyo, magbubukas ang School Year 2022-2023 sa ika-22 ng Agosto at magtatapos ito sa ika-7 ng Hulyo 2023.

 

 

Kabilang din sa nasabing order ang pisikal na pagbabalik ng mga estudyante sa paaralan gaya ng nakagawiang limang araw kada linggo. Ito’y kahit na nasa gitna pa rin ng COVID-19 pandemic ang Pilipinas, na kasalukuyang “low-risk” sabi ng Department of Health.

 

 

Pwede pa rin gumamit ang mga paaralan ng blended learning modalities sa pagsisimula ng pasukan ngunit kinakailangan ding magtransition sa full capacity in person class simula Nobyembre.

 

 

“Starting November 2, 2022, all public and private schools shall have transitioned to 5 days in-person classes. After the said date, no school shall be allowed to implement purely distance learning or blended learning,” ayon pa sa DepEd order 34 na isinapubliko, Martes.

 

 

Ang tanging pwedeng magsagawa ng “purely distance” at “purely blended” learning ang mga nagpapatupad ng Alternative Delivery Modes na binabanggit sa DO 27, s. 2Ol9 na pinamagatang “Policy Guidelines on the K to 12 Basic Education Program” at DO O1 s. 2022 o “Revised Policy Guidelines on Homeschooling program.”

 

 

Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pinaplano ni Bise Presidente Sara Duterte, na tumatayo ring DepEd secretary, na simulan ang face-to-face schooling sa Setyembre at ipatupad na ang 100% harapang attendance ng mga bata sa mga paaralan pagsapit ng Nobyembre.

 

 

Matatandaang hiniling ng Teachers’ Dignity Coalition sa DepEd na iurong sa kalagitnaan ng Setyembre o unang linggo ng Oktubre ang pagbubukas ng klase para sa susunod na school year.

 

 

Ayon sa grupo, ito ay upang bigyan ng sapat na pahinga ang mga guro na naaayon lamang sa mga umiiral na polisiya.

 

 

Samantala magsisinula na ang preparasyon sa nalalapit na school year sa July 25 para sa enrollment, August 1-26 naman para sa Brigada Eskwela at August 15 naman para sa oplan balik eskwela.

 

 

Linggo lang nang sabihin ng The Passenger Forum, transport advocacy network, na hindi pa handa ang pampublikong transportasyon ng Metro Manila sa demands ng mga mananakay ngayong napipinto ang pagbabalik ng pisikal na mga klase.

 

 

Nangyayari ang lahat ng ito ngayong aprubado na ang COVID-19 booster shots para sa mga batang 12 hanggang 17 taong gulang. (Daris Jose)

Other News
  • Pinoy karateka James de los Santos nasa unang puwesto na

    NAKAMIT na ni Filipino karateka James de los Santos ang unang puwesto sa men’s online kata world rankings.   Ito ay matapos na magwagi sa mga ginanap na virtual tournament.   Base sa E-Kata Male Individual Seniors, mayroong kabuuang 8,950 na puntos si delos Santos.   Nahigitan nito si Eduardo Garcia ng Portugal.   Sinabi […]

  • P5.768 trilyong 2024 budget nakatuon para paangatin buhay ng Pinoy – Romualdez

    ISA UMANONG maha­lagang hakbang tungo sa pagtugon sa mga pangangailangan ng ating bansa ang matagumpay na pagratipika ng P5.768 trilyong pambansang badyet para sa 2024.     Sinabi ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na ang badyet ay bunga ng masigasig na pagta-trabaho ng Senado at Kamara na nagkasundo upang ayusin ang magkaiba nilang […]

  • Pogoy kinilala ng FIBA

    Ikinatuwa ni Gilas Pilipinas player Roger Ray Pogoy na napansin ito sa international arena at nabigyan pa ng titulo bilang most improved players ng FIBA.com.   Ayon sa FIBA, hinirang nila si Pogoy base sa statistic record nito sa FIBA Asia Cup 2017 hanggang 2021 FIBA Asia Cup qualifiers first window noong Pebrero.   Base […]