• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Putin, ipinag-utos na ilagay sa high alert ang nuclear forces ng Russia

IPINAG-UTOS ni Russian President Vladimir Putin na ilagay sa high alert ang deterence forces ng Russia na kinabibilangan ng mga nuclear arms.

 

 

Sa kanilang isinagawang pagpupulong ay inatasan ni Putin sina Defense Minister Sergei Shoigu at chief of General Staff of the Russian Armed Forces Valery Gerasimov na ilagay sa combat alert ang Russian Army Deterrence Force.

 

 

Ito aniya ay dahil sa mga agresibong komento ng mga top officials ng leading NATO countries laban sa Russia.

 

 

Ayon pa sa Russian President, unlawful o labag sa batas ang mga parusang ipinataw ng ilang mga bansa sa Russia.

 

 

Samantala, sa isang pahayag ay sinabi naman ni Russian Ministry of Defense na ang strategic forces ay idinisenyo upang hadlangan ang pagsalakay laban sa Russia at mga kaalyado nito, gayundin upang talunin ang aggressor, kabilang na ang isang digmaan sa paggamit ng mga nuclear weapons.

Other News
  • Pope Francis idinaing ang pananakit ng tuhod kaya hindi nakasalamuha ang mga tao

    NAKARANAS ng pananakit sa tuhod si Pope Francis kaya hindi niya personal na nakasalamuha ang mga tao sa Vatican.     Sinabi ng 85-anyos na Santo Papa na sumakit bigla ang kanyang kanang tuhod.     Biro pa nito na temporaryo lamang ito at normal itong sakit ng mga may edad na.     Kada […]

  • SHARON, wala nang atrasan sa paggawa ng ‘Revirginized’ na ididirek ni DARRYL YAP

    MUKHANG kahit hindi pabor ang mga fans ni Sharon Cuneta ay walang atrasan ang paggawa ng Megastar ng pelikula under the direction of the controversial Darryl Yap.     Revirginized ang title ng comeback film ni Sharon sa bakuran ng Viva Films after 19 years. Ito ay mula sa panulat at direksyon ni Darryl Yap. […]

  • 2021 FIBA Asia Cup qualifiers sa Doha, Qatar, kanselado dahil sa pandemya – SBP

    Kinumpirma ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na kanselado na ang pagsasagawa ng ikatlo at huling window ng 2021 Fiba Asia Cup qualifiers na gaganapin sa loob ng isang bubble set-up sa Doha, Qatar.     Sa isang pahayag, sinabi ni SBP President Al Panlilio na batay sa liham na kanilang natanggap mula kay FIBA […]