Putin, nagdeklara na ng military ops sa Ukraine: ‘The world will hold Russia accountable’ – US Pres. Biden
- Published on February 26, 2022
- by @peoplesbalita
NAG-ANUNSIYO na si Russian President Vladimir Putin ng military operation sa Donbas Region ng Ukraine.
Kaugnay nito, hinikayat ni Putin ang mga sundalo sa may eastern Ukraine na magbaba na ng kanilang mga armas at umatras na.
Sa Donbas Region, naroon ang dalawang teritoryo na Luhansk at Donetsk na unang nagdeklara ng kalayaan.
Samantala, kaagad kinondena ni US President Joe Biden at tinawag na “unprovoked at unjustified” attack ang Russian military forces.
Aniya, nakikiisa sa pagdarasal ang buong mundo sa mga mamamayan ng Ukraine.
Tiniyak din ni Biden na magiging responsable ang Russia at mananagot sakaling may maitatalang patay at pinsala sa naturang pag-atake.
Makakaasa aniya na aaksyunan ito ng Amerika at ng mga kaalyadong bansa.
“The prayers of the entire world are with the people of Ukraine tonight as they suffer an unprovoked and unjustified attack by Russian military forces. President Putin has chosen a premeditated war that will bring a catastrophic loss of life and human suffering. Russia alone is responsible for the death and destruction this attack will bring, and the United States and its Allies and partners will respond in a united and decisive way. The world will hold Russia accountable,” bahagi ng statement ni Biden.
Patuloy na imo-monitor din daw ni Biden ang sitwasyon at makikipagpulong sila sa G7 leaders bago magpataw ng anumang consequences sa Russia.
Para naman kay Putin, nilinaw nito na hindi uri nang pananakop ang pagsisimula ng kanilang paglusob sa bahagi ng Donbas Region.
“Circumstances require us to take decisive and immediate action,” ani Putin sa pamamagitan ng RIA-Novosti transcript. “The People’s Republics of Donbas turned to Russia with a request for help. In this regard, in accordance with Article 51, part 7 of the UN Charter, with the sanction of the Federation Council and in pursuance of the friendship treaties ratified by the Federal Assembly and mutual assistance with the DPR and LPR, I have decided to conduct a special military operation.”
-
Uniform travel protocols para sa lahat ng LGUs, inaprubahan ng IATF
INAPRUBAHAN kahapon ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Uniform travel protocols para sa lahat ng Local Government Units (LGUs). Ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ang siyang gumawa ng uniform travel protocols “for land, air and sea” sa pakikipag-ugnayan sa Union of Local Authorities of the Philippines, League of Provinces of […]
-
Bagong Pilipinas rally, hindi gagamitin para isulong ang Chacha -PCO
PINABULAANAN ng mga opisyal ng Presidential Communications Office (PCO) na hindi gagamitin ang Bagong Pilipinas campaign kickoff rally, bukas, Enero 28 para itulak ang Charter change (Cha-cha). “Definitely not. This is an activity by the Executive Department for the covenant of Bagong Pilipinas. This is the Executive Department’s way of showing its commitment […]
-
Top political leaders nagkaisa para bumalangkas ng istratehiya para sa 2025 midterm polls
NAGKAISA ang mga top political leaders sa bansa para maglatag ng mga istratehiya para sa nalalapit na 2025 midterm elections. Ginanap ang pulong kahapon, Lunes ng gabi sa Aguado residence sa Palasyo ng Malakanyang . Ang nasabing pulong ay batay sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. […]