• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Putol kuryente itigil muna – Duterte

Pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kautusan na nagbabawal sa pagputol ng kuryente ng mga “lifeliners” o low-income households.

 

 

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, iiral ang “no disconnection” policy hanggang ngayong buwan ng Pebrero.

 

 

Ang mga “lifeliners” ay ang mga kabahayan na hindi lumalampas sa 200 kilowatt hour  ang konsumo kada buwan.

 

 

Ang pagpapalawig ng “no disconnection” policy ay inirekomenda ng Ener­gy Department.

 

 

“Ang instruction ni Pangulo, sa panahong may kinakaharap na pandemiya, walang puputulan (ng kuryente) na lifeliner,” pahayag ni Nograles.

 

 

Sinabi pa ni Nograles na makakahinga na ng maluwag ang mga kabahayan na nangangam­bang mapuputulan ng kuryente ngayong buwan.

 

 

Ipinaliwanag naman ni Undersecretary Felix William “Wimpy” Fuentebella ng DOE na hanggang Disyembre lang dapat ang pagbabawal sa pagputol ng kuryente ng mga hindi makabayad na “lifeliners” pero pinalawig ito ng dalawang buwan na kinabibilangan ng Enero at Pebrero.

 

 

Kung hindi makakabayad matapos ang Peb­rero, hindi aniya na­ngangahulugan na mapuputulan na agad ng kur­yente dahil mag-uusap muna ang consumer at distribution facilites para magkasundo tungkol sa posibleng installment na bayaran.

 

 

Kapag hindi aniya tumupad sa usapan ang consumer ay saka papadalhan ng disconnection notice. (GENE ADSUARA)

Other News
  • LeBron James, ikakampanya sina Biden sa pagkapangulo ng US

    Inanunsiyo ni NBA star LeBron James na ikakampanya niya sa pagkapangulo ng US si Joe Biden at Kamala Harris.   Sinabi nito na napapanahon na para magkaroon ng pagbabago at para simulan ito ay dapat baguhin ang namumuno sa bansa. Dagdag pa nito na hindi naman niya itinatago na hindi ito sang-ayon sa ipinapatupad na […]

  • Gonzales sinagot patutsada ni Bato sa ICC probe ng Kamara

    IGINAGALANG umano ni House Deputy Speaker at Pampanga  Rep. Aurelio Gonzales Jr. ang pahayag ni Sen. Ronald dela Rosa subalit dapat din umano nitong igalang ang ginagawang pagganap ng kamara sa mandatong ito.     “As the senator very well knows, the House of Representatives is mandated to act on resolutions filed by its members […]

  • Pag-angkat ng 440-K MT ng asukal, aprubado na ng SRA Board

    INAPRUBAHAN ng Sugar Regulatory Administration (SRA) Board ang plano sa pag-aangkat ng 440,000 metric tons ng refined sugar.     Layon nito na palakihin ang supply at patatagin ang mga presyo ng sweetener ngayong taon.     Inihayag ni Sugar Regulatory Administration (SRA) Board member-planters’ representative Pablo Luis Azcona na inaaprubahan ito sa ginawang pulong […]