PWAI kinalampag ang POC
- Published on November 28, 2020
- by @peoplesbalita
MALAKAS na kinalampag ng isang nagmamalasakit sa weightlifting at opisyal din ng Philippine Weightlifting Association, Inc. (PWAI) ang Philippine Olympic Committee executive board , si POC president Abraham Tolentino, at si POC Membership Committee chairman Bones Floro.
Pinapanawagan ni elected PWAI director at appointed treasurer Felix Tiukinhoy sa POC na saklolohan silang makapag-eleksiyon ng mga bagong opisyal na manunungkulan makaraang huling maghalalan pa limang taon na ang nakararaan o 2015.
Pinaabot ni Tiukinhoy ang bagay sa tatlong pahina niyang lsulat kay Tolentino kasabay nang paggiit na ang PWAI pa rin ang National Sports Association (NSA) na may legal personality kahit matagal nang naantala ang electoral congress nito.
Inaasam ng opisyal na nanunungkulan ding pangulo ng Cebu Weightlifting Association, Inc. (CWAI), appointed vice president at treasurer ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas, Inc. (SWPI) at commissioner ng Cebu Sports Foundation, Inc. (CESAFI), na maayos na ang suliranin ng PWAI.
Rehistrado ang PWAI sa Securities and Exchange Commission (SEC) na amended noong January 25, 1996. Nakansela ang SEC registration noong 2003 dahil sa non-compliance at non-payment hanggang sa kasalukuyan.
Nasa likod ni Tuikinhoy sa hakbang ang buong CWAI na mga dating opisyal o nagserbisyo sa PWAI.
Sila ay sina chairman Rufus Rodriguez, vice president Jude Harry del Rio, secretary general Judith Sadje Sulla, treasurer Edwin Nacua, auditor Danilo Catingub, PRO Juan Maraat, project director Eliseo Dildig, legal adviser, Dean Baldomero Estenzo, atprogram Ambassador Hidilyn Diaz.
Maaring binabasa ninyo ito na nakapuwesto pa si Tolentino sa POC. Puwedeng hindi na rin dahil kalaban niya noong Biyernes, Nobyembre 27 sa halalan ng mga bagong opisyal ng organisassyon si Jesus Clint Aranas. (REC)
-
PDu30 nagsabi na walang pilitan sa bakuna
MISMONG si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang nagsabi na hindi pinipilit ng pamahalaan ang kahit na sinuman na sumali sa ibibigay na bakuna ng national government. Sa public address ng Pangulo ay sinabi nito na libre ang bakuna at talagang pinaghandaan ng pamahalaan ang pera. “Iyong Secretary of Finance — yesterday we had a […]
-
Senado, dinagdagan ang pondo para sa 82 State Universities and Colleges para sa 2025
Tinanggap ng Senado ang panukala ni Senador Sherwin Gatchalian na maglaan ng P3.058 bilyon para sa 82 State Universities and Colleges (SUCs) sa susunod na taon. Ito’y upang mapunan ang kakulangan sa pondo ng pagpapatupad ng free higher education. Tinanggap ang naturang panukala ni Gatchalian sa inaprubahang bersyon ng General Appropriations […]
-
Fernando, nanawagan ng pagkakaisa at pagsunod sa batas
LUNGSOD NG MALOLOS– Nanawagan si Gobernador Daniel R. Fernando ng Bulacan sa mga Bulakenyo ng pagkakaisa at pagsunod sa batas sa pagsasailalim sa Bulacan, kasama ang iba pang lugar na kabilang sa “NCR bubble” na binubuo ng Metro Manila, Cavite, Laguna at Rizal, sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) simula sa Lunes, Marso 29, 2021 hanggang […]