• April 24, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PWDs isasama na sa cash-for-work ng DSWD

ISASAMA  na ng Department of Social Welfare and Development ang mga Persons with Disabilities (PWDs) sa Cash-For-Work program ng DSWD, ayon kay Secretary Erwin Tulfo.

 

 

“Simula po ngayon kayo ay kasama na diyan sa tinatawag na Cash-For-Work program ng DSWD sa inyo pong komunidad,” ani Tulfo sa ginanap na “BUHAYnihan” sa Pilillam, Rizal kasabay ng pagdiriwang ng International Day of Persons with Disabilities.

 

 

Ani Tulfo, kadalasang napag-iiwanan o nakakalimutan ng lipunan ang mga may kapansanan.

 

 

Utos aniya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na tulungan at alagaan ang PWDs.

 

 

Sa pamamagitan ng paglahok ng PWDs sa iba’t ibang community services, maari silang tumanggap ng hanggang P4,000 cash assistance.

 

 

Sa isang media briefing, sinabi ni Tulfo na kahit wala pa sa kasalukuyang budget ng DSWD, maa­ring kunin ang pondo mula sa iba pang mga programa ng ahensya tulad ng KALAHI-CIDSS Kapit Bisig Laban sa Kahirapan at ang Assistance to Individuals in Crisis Situation.

 

 

Aapela aniya siya sa Kongreso para sa buwanang kompensasyon ng PWDs. (Ara Romero)

Other News
  • DOTr: Libreng sakay sa rail lines hanggang Aug. 31

    Mayron patuloy na libreng sakay ang mga pasaherong nagpabakuna na laban sa COVID-19 sa mga rail lines na tatagal ng hanggang August 31.       Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na patuloy silang magbibigay ng libreng sakay sa mga rail lines tulad ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3), Light Rail Transit Line […]

  • INUMPISAHAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga kwalipikadong Navoteño solo parents

    INUMPISAHAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga kwalipikadong Navoteño solo parents sa ilalim ng Republic Act 11861 o ang Expanded Solo Parents Welfare Act kung saan umabot sa 381 benepisyaryo ang nakatanggap ng kanilang cash aid mula Enero hanggang Marso na nagkakahalaga ng P3,000. (Richard Mesa)

  • CSC sa Christmas party sa gobyerno: No public funds, sundin ang ethical standards

    PINAALALAHANAN ng Civil Service Commission (CSC) ang mga ahensiya ng gobyerno na magdaraos ng Christmas o year-end party, binigyang diin na dapat ay ‘no public funds’ na gagamitin at kailangan na sundin ang ethical standards.       Sinabi ni CSC Commissioner Aileen Lourdes Lizada na hindi maaaring gamitin ang pondo ng gobyerno para sa […]