• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pwedeng gumanap sa remake ng ‘Ang Tanging Ina’: MELAI, nahihiya sa titulo na bagong ‘Comedy Queen’

SI Melai Cantiveros na raw ang maaaring tawagin na Comedy Queen of this Generation. 
Dahil daw sa nakikitang kagalingan ni Melai sa pagpapatawa.  Kumbaga sa kanyang kapanabayan ay nangunguna si Melai sa naturang larangan.
Pero nahihiya naman umano ang ko­medyana sa titulong ibinibigay sa kanya ng mga tagahanga.
“Thank you so much sa mga nagsasabi. I love you all pero nahihiya ako sa nagsasabi. Sobra akong hiya kasi siyempre ‘di ko naman masabi na ano.
“Sobra akong happy pero para sa akin siyempre ang dami ko pang dadaanan na mga butas bago ko pa makamit ‘yung mga ganyan,” pagpakumbaba pang banggit ni Melai.
May ilang mga tagahanga ni Melai ang nagsasabing ang komedyana raw ang pwedeng gumanap kung sakaling gawin ang remake ng pelikulang ‘Ang Tanging Ina’.
Pero para kay Melai ay talagang iniidolo at nirerespeto niya ang mga nakilalang ‘Comedy Queen” na si Ai Ai delas Alas.
“Hindi natin pwede i-bypass kasi siya talaga maraming napatunanyan na talaga. Andyn pa rin naman ang mga kagaya nina Ate Pokie (Pokwang), Ms. Eugene Domingo.
”So kung gagawin, why not pero sana wala tayo ma-hurt na kasaman at mga kaibigan.
“Gawa na lang tayo sarili natin,” giit ng komedyana.
***
HINDI raw naman itinago ni Nadia Montenegro ang anak daw nila ni Baron Giesler.
Ayon pa kay Nadia sa interbyu sa kanya ni Julius Babao ay hindi raw niya itinago sa mga mahal niya sa buhay ang tungkol sa pagkakaroon niya ng anak sa iba.
“‘Yong mga nangyari sa buhay ko before, in the past, siguro umabot sa 17, 18 years na naitayo ko.
“Hindi ko ito itinago sa mga taong dapat nakakaalam.
“Hindi ko rin ito itinago sa mga mahal ko sa buhay. Hindi ko itinago sa anak ko. Hindi ko itinago kay Boy [Asistio, Jr.]. Hindi ko itinago sa mga kapatid ko,” seryoso pang pahayag ng aktres.
“In fact, all these years, it was so difficult for people to understand. ‘Bakit okay sila
nagtagal sila ni Boy? Bakit sila okay ng mga anak niya kung may ganito?’” Banggit pa rin ni Nadia.
(JIMI C. ESCALA)
Other News
  • Na-challenge sa role ni former Pres. Ferdinand Marcos: CESAR, binigyan lang ng seven days para makapaghanda

    LAST Sunday, July 17, isinagawa na ng Viva Films ang mediacon ng Maid in Malacanang” na dinirek ng controversial young director na si Darryl Yap sa Manila Hotel.     Dinaluhan ito ng cast ng movie na sina Cesar Montano as President Ferdinand Edralin Marcos, Ruffa Gutierrez as Mrs. Imelda Romualdez-Marcos, Cristine Reyes as Imee […]

  • 38 porsyentong Pinoy tiwalang gaganda ekonomiya ng bansa – OCTA

    NANINIWALA ang 38% ng mga adult Filipinos na gaganda ang ekonomiya ng bansa sa susunod na anim na buwan.     Base sa non-commissioned survey ng OCTA Research na ginawa noong Disyembre 2023, ang 38% ay mas mataas sa 27% na nagsabing gaganda ang ekonomiya noong October 2023.     Bumaba naman sa 8% noong […]

  • 80 individuals kinasuhan ng PNP dahil sa pagpapakalat ng fake news ngayong pandemic

    Nasa 80 indibidwal ang sinampahan ng kaso ng Philippine National Police (PNP) dahil sa iba’t ibang cybercime cases ngayong panahon ng pandemya.     Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, nasa kabuuang 121 na criminal complaints ang isinampa nila sa ibat ibang korte laban sa 80 indibidwal.     Kasama sa mga kaso […]