• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

QC ban sa single-use plastics sa mga resto, hotel sa Kyusi atras Hulyo

SINABI ng pamahalaan ng Quezon City na inilipat sa Hulyo 1 ang pagpapatupad ng ban nito sa single-use plastics sa mga restaurant at hotel upang magbigay ng mas maraming panahon sa mga establisyimento na i-adjust ang kanilang dine-in logistics.

 

Ipinagpatuloy matapos ang limang buwan ang enforcement sa ban sa ilalim ng City Ordinance No. 2876 nang bigyan ng konsiderasyon ng pamahalaan ang ilang concern na pumapalibot sa hygiene at logistics, ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte.

 

Inisyal na naging epektibo ang ban noong Pebrero 15 sa pagnanais ng pamahalaang lungsod na iwasan ang paggamit ng single-use plastic food containers at utensils.

 

Itinaas ng ilang establisyimento ang kanilang logistical concerns na maaaring makaapekto sa kanilang day-to-day operations, pahayag ng lokal na pamahalaan.

 

Inirekomenda ng Environmental Protection and Waste Management Department (EPWMD) ng siyudad ang pagpapaliban sa ban dahil kailangan pa umanong maipasa ng mga establisyimento ang transition plan sa city government sa loob ng 30 araw.

 

Kailangan din umanong magkaroon ng procurement timeline para sa mga amenities ang naturang plano maging ang “establishments’ standards and hotel/restaurant international regulations as justification.

 

Kailangan magkaroon ng impormasyon tungkol sa mga disposable material na ginagamit ng mga establisyimento para sa take-out orders “for hygienic and food safety purposes and its appropriate recovery/recycling mechanisms.”
Nakikipag-ugnayan na ang waste management department ng siyudad sa Philippine Alliance for Recycling and Materials Sustainability (PARMS) upang mas lalo pang ma-develop ang proseso sa pag-recover at recyle ng mga plastic at disposable materials.

 

May magmulta ng P1,000-P5,000 ang sinumang lalabag dito depende sa bilang ng mga paglabag. Sa ikatlong pagkakataong malabag ito, maaaring ma-revoke ang business permit ng establisyimento at isyuhan ng closure order. (Ara Romero)

Other News
  • Rollback sa diesel tuloy, presyo ng gasolina tataas

    MAGPAPATUPAD ng magkakaibang galaw sa presyo ng petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa kung saan tuloy ang rollback sa diesel at kerosene, habang tataas naman ang presyo ng gasolina.     Sa advisory ng Pilipinas Shell Petroleum Corp, Caltex, at Seaoil Philippines Corp., parehong bababa ang ­presyo ng kanilang diesel at kerosene ng […]

  • Go, suportado ang suspensyon ng lisensiya e-sabong

    SUPORTADO ni Senador Christopher “Bong” Go ang pansamantalang suspensyon ng lisensiya ng electronic-sabong (cockfighting) operators habang hindi pa nareresolba ang kaso ng 31 nawawalang sabungero.     Sa pagdinig sa Senado noong nakaraang linggo ukol sa 31 nawawalang sabungero, nanawagan ang mga senador sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na pansamantalang ipatigil ang operasyon […]

  • Get ready for a Forger holiday! Get your tickets for Spy x Family Code: White advance fan screening events on March 9

    JOIN the Forgers in their dangerous weekend family getaway at the Spy x Family Code: White advance fan screening events on Saturday, March 9, 7pm at SM Megamall cinema 4 and SM North EDSA cinema 3. Fans can get to bag exclusive merch items along with watching the highly anticipated anime comedy ahead of its […]