• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

QC ban sa single-use plastics sa mga resto, hotel sa Kyusi atras Hulyo

SINABI ng pamahalaan ng Quezon City na inilipat sa Hulyo 1 ang pagpapatupad ng ban nito sa single-use plastics sa mga restaurant at hotel upang magbigay ng mas maraming panahon sa mga establisyimento na i-adjust ang kanilang dine-in logistics.

 

Ipinagpatuloy matapos ang limang buwan ang enforcement sa ban sa ilalim ng City Ordinance No. 2876 nang bigyan ng konsiderasyon ng pamahalaan ang ilang concern na pumapalibot sa hygiene at logistics, ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte.

 

Inisyal na naging epektibo ang ban noong Pebrero 15 sa pagnanais ng pamahalaang lungsod na iwasan ang paggamit ng single-use plastic food containers at utensils.

 

Itinaas ng ilang establisyimento ang kanilang logistical concerns na maaaring makaapekto sa kanilang day-to-day operations, pahayag ng lokal na pamahalaan.

 

Inirekomenda ng Environmental Protection and Waste Management Department (EPWMD) ng siyudad ang pagpapaliban sa ban dahil kailangan pa umanong maipasa ng mga establisyimento ang transition plan sa city government sa loob ng 30 araw.

 

Kailangan din umanong magkaroon ng procurement timeline para sa mga amenities ang naturang plano maging ang “establishments’ standards and hotel/restaurant international regulations as justification.

 

Kailangan magkaroon ng impormasyon tungkol sa mga disposable material na ginagamit ng mga establisyimento para sa take-out orders “for hygienic and food safety purposes and its appropriate recovery/recycling mechanisms.”
Nakikipag-ugnayan na ang waste management department ng siyudad sa Philippine Alliance for Recycling and Materials Sustainability (PARMS) upang mas lalo pang ma-develop ang proseso sa pag-recover at recyle ng mga plastic at disposable materials.

 

May magmulta ng P1,000-P5,000 ang sinumang lalabag dito depende sa bilang ng mga paglabag. Sa ikatlong pagkakataong malabag ito, maaaring ma-revoke ang business permit ng establisyimento at isyuhan ng closure order. (Ara Romero)

Other News
  • Ads May 13, 2023

  • Pinoy tennis star Alex Eala umangat ang puwesto sa tennis world ranking

    Umagat ang world ranking ni Filipino tennis star Alex Eala.     Ayon sa tennis World Juniors ranking nasa pangalawang puwesto na ito.     Nakakamit kasi ito ng 467.5 points matapos na magwagi ng dalawang titulo sa Trofeo Bonfiglio, J Tournament sa Milan, Italy.     Nahigitan ng 16-anyos na si Eala si Elsa […]

  • Netizens, inaabangan na ang nakaaaliw na second episode: WILBERT at YUKII, nagpakilig at nagpasabik sa una nilang pagtatagpo

    NAGPAKILIG at nagpasabik ang unang episode ng newest digital series ng Puregold, Ang Lalaki sa Likod ng Profile, nang ipakita ang kakaibang chemistry sa tambalan nina Bryce (Wilbert Ross) at Angge (Yukii Takahashi) sa una nilang pagtatagpo.     Lalo pang matutuwa at ma-i-inlove ang mga tagasubaybay sa ikalawang episode, habang hinihintay kung ano ang mangyayari sa […]