• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

QC Government itinanghal na Most Competitive LGU

TUMANGGAP ng limang parangal ang Quezon City, kabilang ang Overall Most Competitve Local Government Unit sa ilaim ng Highly Urbanized Category.

 

Ang nasabing parangal ay iginawad ng Creative Cities and Municipalities Congress 2024 sa ilalim ng Department of Trade and Industry.

 

Nakopo ng QC LGU ang matataas na pwesto sa mga kategoryang Overall Most Competitive LGU, Most Competitive Infrastructure at tumanggap din ng special award mula sa Intellectual Property Office of the Philippines.

 

Sabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, ang mga pagkilalang ito ay pagpapatibay sa magandang trabaho ng pamahalaang lungsod para sa kapakanan ng lahat ng kanyang mamamayan.

 

Sabi pa ng alkalde, iniaalay nya ang mga award na ito sa ating mga katuwang sa paglilingkod sa pamahalaang lungsod at sa mga mamamayan na walang patid na nagtitiwala sa kakayahan ng siyudad na magsilbi.

 

Nakuha rin ng Quezon City ang ikalawa at ikatlong pwesto para sa Most Competitive Innovation at Most Competitive para naman sa Resiliency award categories.

 

Magsisilbing inspirasyon ang mga nabanggit na award upang mas lalo pang pagbutihin ng pamahalaang lokal ng Quezon City ang pagseserbisyo sa tao

 

Iginawad ang mga nasabing pagkilala at parangal sa katatapos na Cities and Municipalities Competitiveness Index 2024 na ginanap sa Manila Hotel.

 

Ito ang ika-apat na pagkakataong sunud-sunod na nakamit ng QC LGU ang Most Cletitive Local Government Unit Award mula noong maluklok sa Hall of Fame ang Lungsod. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Ads September 14, 2021

  • NAMEMEKE NG COVID TEST BINALAAN

    MULING nagbabala ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa mga mamemeke ng mga resulta ng COVID-19 test.     Ang babala ng MPD ay kasunod ng  pagkakaaresto ng anim na indibidwal sa isang entrapment operation sa isang establisimyento sa Quiapo, Maynila kahapon.     Ayon sa pulisya, gumagawa at nagbebenta ng pekeng COVID-19 swab […]

  • Mga Pinoy Olympians mas makikilalala na sa website

    MAKIKILALA na ang mga national athlete noon at ngayon na nagbigay ng karangalan sa bansa hanggang sa pinakamalaking paligsahan – Olympic Games – sa pamamagitan ng  makabagong teknolohiya sa kalulunsad lang na Philippine Olympians Association (POA), Philippine Olympic Committee (POC) at Nestle-Milo Philippines.     Mababasa ng publiko ang mga Olympian, ang kanilang mga natatanging […]