QC gov’t, naghigpit lalo sa pagpapatupad health protocols
- Published on December 16, 2020
- by @peoplesbalita
Nagdoble ng paghihigpit ang Quezon City government sa pagpapatupad ng health protocols matapos na manguna sila sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Mayroon pa kasing halos 900 na aktibong kaso ang naitala sa lungsod at mahigit 742 na ang nasawi habang ang recoveries ay mayroong halos 25,000.
Sa kabuuang kaso aniya ay mayroong mahigit 26,400 dahil sa COVID-19.
Dahil sa naturang bilang ay nagpakalat ang QC government ng mga marshall para tuluyang sitahin ang mga hindi sumusunod sa minimum health protocols.
Naglunsad na rin sila ng kampanya sa bawat barangay para ipapaalala ang kahalagahan ng pagsusuot ng face mask, social distancing at ganon din ang paghuhugas ng kamay.
Pinaalalahan din ng city government ang mga establisyemento na huwag kalimutan na maglagay ng contact tracing forms. (ARA ROMERO)
-
P2-M HALAGA NG MARIJUNA HULI NG QCPD MULA SA DALAWANG TULAK
HULI ng Quezon City police District (QCPD) Station -4 Novaliches ang dalawang lalaki sa isang buy-bust operation sa Barangay Bag-bag Novaliches Q.C. Kinilala nina QCPD Chief B.Gen. Danilo Macerin at Lt.Col Richard Ang, ang mga suspek na sina Daryl Collera, 24 taong gulang at Murray Comot, 29 taong gulang. Narekober mula sa dalawa ang 20 […]
-
Mahigit 300 pamilya inilikas dahil sa bagyong Neneng- NDRRMC
NAKAPAGTALA ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng 300 pamilya na iniwan ang kanilang tahanan sa Region 2 at naghanap ng masisilungan sa iba’t ibang evacuation centers dahil kay bagyong Neneng, araw ng Linggo. Sa kamakailan lamang na situation report nito, sinabi ng NDRRMC na may 337 pamilya o 960 […]
-
Marcial ingat na magkasakit
DESIDIDONG makasungkit ni Eumir Felix Marcial ng unang ng gold medal ng Pilipinas sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong lang sa parating na Hulyo 23-Agosto 8 sanhi ng pandemya. Kaya triple ang pag-iingat niyang ginagawa upang mapanatiling mabuti ang kalusugan at hindi maudlot ang paghahanda sa nasabing pinakamalaking paligsahan […]