• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

QC LGU, NAGDAOS NG SEMINAR PARA SA MGA SENIOR CITIZEN

NAGDAOS ng isang digital seminar ang Local Government Unit ng Quezon City at ang Globe Group na naglalayong makapagbigay ng kaalaman sa mga mamamayan na nasa senior age na, kaugnay sa patuloy na umuunlad at pabago-bagong digital landscape sa bansa sa pamamagitan ng  “Teach Me How To Digi” #SeniorDigizen Learning Session.”

 

 

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, ang proyektong ito ay upang magabayan ang mga senior citizen ng lungsod na makahabol at makasabay sa modernong teknolohiya.

 

 

Ayon pa sa Alkalde, prayoridad ng lungsod ang mga senior citizen ng lungsod lalo na sa usapin ng public service upang matulungan silang maging produktibo.

 

 

Tinuruan sa nasabing event ang nasa 400 na senior citizen ng pagseset-up ng email address, pagggamit ng smartphone at ang paggamit ng e-wallet na G-Cash at ang telehealth service na KonsultaMD.

 

 

Dagdag pa ni Belmonte, malaki ang maitutulong ng mga kaalamang ito sa mga senior QCitizens para makasabay sa mga nakababatang henerasyon pagdating sa makabagong teknolohiya.

 

 

Sabi pa niya Lubos tayong nagpapasalamat sa Globe sa kanilang programang ito para sa mga matatanda sa Lungsod Quezon na magbibigay daan sa kanila para maging produktibo sa kabila ng kanilang edad.

 

 

Ang proyektong ito ay alinsunod na rin sa layunin ng QC LGU na idigital na ang mga transakyon sa city hall, gaya ng pag-aaply ng permit at pagbabayad ng buwis. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Caloocan, Malabon muling nag-uwi ng Seal of Good Local Governance

    MULING nagkamit ng parangal na Seal of Good Local Governance (SGLG) mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lungsod ng Caloocan at Malabon sa ginanap na awarding ceremony sa Manila Hotel.       Ang Caloocan City ay ang pangalawang local government unit na nakatanggap ng walong magkakasunod na SGLG […]

  • Mas malaking pondo, kailangan ng DepEd sa ilalim ng new normal – official

    Binigyang-diin ng Department of Education (DepEd) na mangangailangan umano sila ng mas malaking pondo sa darating na taon kasabay sa ginagawang adjustment ng kagawaran bunsod ng mga pagbabagong hatid ng coronavirus crisis.   Paliwanag ni DepEd USec. Jesus Mateo, inaasahan na nilang lalaki ang bilang ng kanilang mga kawani dahil sa pinaghahandaang transition patungo sa […]

  • Kaso ng COVID-19 babagsak sa 5K kada araw – OCTA

    NANINIWALA ang OCTA Research Group na bababa sa 5,000 na lang kada araw ang kaso ng COVID-19 sa bansa.     Ayon kay OCTA fellow Guido David, base sa kanilang projection, sa kalagitnaan ng Pebrero ay posibleng hindi na umabot sa 10,000 kada araw ang kaso at mas bababa pa sa huling bahagi ng Pebrero. […]