• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

QC LGU nakiisa sa proyekto ng DOH at USAID

NAKIISA ang pamahalaang lungsod ng Quezon City sa culminating activity ng Department of Health (DOH) at United States Agency for International Development (USAID) na pinamagatang “Padayon: The DOH-USAID Shared Journey Towards a Healthy Pilipinas”.
Mainit na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte si DOH Sec. Ted Herbosa at mga kinatawan ng USAID sa pangunguna ni Asst. Administrator for Global Health Dr. Atul Gawandee kasama sina Deputy Asst. Administrator Dr. Bama Athreya at Deputy Mission Director Ms. Rebekah Eubanks.
Pinasalamatan naman ng DOH ang kanilang mga naging katuwang mula sa pribadong sektor sa ibat-ibang programa ng ahensya. Layon ng programa na paigtingin pa ang pagbibigay ng mas maayos na serbisyong pangkalusugan para sa mga Pilipino.
Nakiisa rin sina Palo City Mayor Remedios Petilla, Tanauan City Mayor Ma. Gina Merilo, Department of Education Asec. Dexter Galban, Department of the Interior and Local Government Asec. Lilian de Leon, at Dangerous Drugs Board Asec. Maria Belen Angelita Matibag sa nasabing pagtitipon. (PAUL JOHN REYES)
Other News
  • P293-M halaga ng financial aid naipamahagi sa mga sinalanta ng Bagyong Odette – DSWD

    Mahigit 293 million ang halaga ng financial aid na naibigay sa mga komunidad na sinalanta ng Bagyong Odette, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).     Sa kanialng report, sinabi ng DSWD-Disaster Response Operations Monitoring and Information Caenter na P293,352,307 halaga ng assistance ang naibigay ng DSWD, local government units, at non-government […]

  • Kampo ng pastor, dumipensa

    UMAMIN ang isang paralegal sa Los Angeles sa kanyang papel sa pamemeke ng visa at kasal para makapasok sa US ang mga opisyal ng Kingdom of Jesus Christ o grupo ni Pastor Apollo Quiboloy.     Ayon kay Maria de Leon, isa siya sa siyam na indibidwal na idinidiin sa kasong labor trafficking na kinasasangkutan […]

  • ‘Isang ‘marangal, mabait’ na Santo Papa

    NAGBIGAY  pugay si Pope Francis, kay Benedict XVI na sinabing isa itong “marangal” at “mabait” na dating papa.       Ang dating santo papa ay namatay sa edad na 95-anyos, isang dekada matapos maging unang pontiff mula noong Middle Ages na nagbitiw sa pwesto.       “With emotion we remember a person so […]