• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

QC MAYOR BELMONTE, PINARANGALAN NG UNITED NATIONS

TUMANGGAP ng pagkilala mula sa United Nations Environment Programme (UNEP) si Quezon City Mayor Joy Belmonte bilang 2023 Champion of the Earth for Policy Leadership.
Ang parangal na ito ay ang pinakamataas na parangal na ibinibigay ng United Nations para sa mga indibidwal at organisasyon na nagtataguyod ng mga programa para sa kapaligiran at kalikasan.
Sa pangunguna ni Mayor Belmonte, itinataguyod at isinusulong ng Pamahalaang Lungsod Quezon ang mga patakarang naglalayong labanan at wakasan ang plastic pollution sa lungsod tulad halimbawa ng pagbabawal sa single-use plastics, Kuha ka sa Tingi program, urban farming, at pagpapalawak ng mga green spaces sa lungsod.
Ayon pa kay Belmonte, kanilang isinusulong ang mga programa para mabawasan ang plastic pollution dahil ang mga basurang plastic, kapag hindi itinapon nang tama ay naiipon at bumabara sa mga daanan ng tubig at nagdudulot ng malawakang pagbaha.
Paliwanag pa ng alkalde, isa sa solusyon na kanilang ginagawa ay ang konsepto ng refelling. Sa halip na bumili ng produktong nakalagay sa mga plastic sachet ay magdadala na lamang ng lalagyan ang mga consumer at irerefill naman sa tindahan. Ibinida rin ni Belmonte ang kanilang waste segregation scheme o yung paghihiwalay ng mga biodegradable at non biodegradable na basura. (PAUL JOHN REYES)
Other News
  • Robredo nanawagan para sa mas ‘organisadong’ pag-asikaso sa repatriated OFWs

    Tinawag ni Vice President Leni Robredo ang pansin ng concerned agencies na nag-aasikaso sa repatriated Pinoy overseas workers dahil sa COVID-19 pandemic.   Nabatid kasi ng bise presidente na tila hindi pa rin organisado ang tulong sa mga umuwing OFW, kung saan karamihan ay na-stranded sa mga quarantine centers sa Metro Manila. “Medyo disorganized talaga… […]

  • Highly-Anticipated Films to Watch This First Half of 2021

    BECAUSE of the COVID-19 pandemic, 2020 has been a tough year for the film industry, especially with all the film releases getting postponed to a later date.    Here’s a rundown of some of the highly-anticipated films we’re all looking forward to catching in cinemas this first half of 2021!   Things are looking a […]

  • PBBM, sa kondisyon ng Pinas: ‘Dumating na ang Bagong Pilipinas’

    Ito ang kumpiyansang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pangalawang State Of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa sa Lungsod ng Quezon.  Ayon sa Pangulo, ang kalagayan ng bansa ay matatag at mabuti at ang bagong Pilipinas ay dumating na. Tinuran ng Pangulo na ang kanyang kumpiyansa ay “further buoyed by the […]