QC nagkaloob ng P100M para sa EDSA busway ramps
- Published on January 22, 2021
- by @peoplesbalita
Ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ay nagkaloob ng P100 million para sa konstruksyon ng elevated ramps sa kahabaan ng EDSA.
Ito ang sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benjamin Abalos matapos ang ginawang inspection sa Balintawak market noong makalawang araw.
Ang Department of Transportation (DOTr) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ay nagbigay rin ng pondo para pagtatayo ng busway ramps sa EDSA.
“We are coordinating with DOTr and DPWH to address traffic woes caused by the U-turn slot closures along EDSA,” wika ni Abalos.
Noong nakaraang taon, ang MMDA ay sinarahan ang madaming U-trun slots sa kahabaan ng EDSA na siyang naging sanhi ng pagsisikip sa nasabing highway at iba pang pangunahing lansangan sa Metro Manila.
Kamakailan lamang ay mayron na naman sinarahan na U-turn slots ang MMDA at ito ay ang nasa General Malvar/Bagong Barrio sa EDSA. Ito ay sinarahan dahil sa gagawing EDSA Busway project ng DOTr kung saan ang innermost lane sa EDSA ay gagamitin bilang designated at exclusive lane para sa public utility buses (PUBs).
Habang si Mayor Joy Belmonte naman ay nakiusap sa MMDA na muling buksan ang mga iba pa na U-turn slots na sinarahan sa EDSA.
Samantala binuksan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) noong nakaraang taon ang dalawang (2) U-turn slots sa EDSA sa Quezon City matapos na pagsabihan ng mga lawmakers at ng pamahalaang lungsod ng Quezon City ang MMDA.
Ang nasabing U-turn slots ay ang nasa tapat ng Quezon City Academy at ang malapit sa Darrio Bridge sa Balintawak upang magamit ng mga motorista at dahil sa sunud-sunod na complaints na tinalakay sa nakaraang congressional inquiry ng House committee sa Metro Manila development.
Ang nasabing U-turn slot sa Quezon Academy ay bukas lamang para sa mga light vehicles samantalang ang nasa Darrio Bridge ay para lamang sa mga emergencies at government vehicles.
Nagalak naman si Mayor Joy Belmonte sa naging desisyon ng MMDA sa muling pagbubukas ng nasabing U-turn slots, na noon pa man ay hiniling na ni Belmonte dahil sa maraming complaints na kanyang natatangap mula sa mga motorista.
Nangako si Belmonte na ang pamahalaang lungsod ng Quezon City sa ilalim ng task force traffic management ay silang mangangasiwa sa stop-and-go scheme sa mga nasabing U-turn slots. (LASACMAR)
-
Employers walang takas sa 13th month pay, business permit kakanselahin
KAKANSELAHIN ang business permit ng isang employer sakaling mapatunayang nabigo itong ibigay ang 13th month pay ng kanilang mga empleyado. Ito’y kapag naisabatas ang inihaing panukala nina ACT-CIS party-list Reps. Eric Yap, Jocelyn Tulfo at Niña Taduran. Pangunahing layunin ng House Bill 6272 na paghusayin pa ang 13th month pay compliance sa pamamagitan ng […]
-
Pag-ban sa POGO, aprub na sa House panel
DAHILAN sa pagkakasangkot sa samut-saring krimen tulad ng human trafficking, prostitusyon, forcible abduction, murder, investment scam, swindling at iba pa, pinagtibay na ng House Committee on Games and Amusement ang panukalang batas na nagbabawal sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na mag-operate sa Pilipinas. Ang House Bill (HB) 5802 na dinidinig ng komite ay iniakda […]
-
Waging Best Actress at ka-tie si Max sa ‘6th EDDYS’… LOTLOT, naging emosyonal sa pagtanggap ng award ni JANINE
NAGING matagumpay ang ika-anim na edisyon ng The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society ng Philippine Entertainment Editors (SPEEd), na ginanap sa Aliw Theater sa Pasay City noong Nobyembre 26. Nagningning nga ang pinakamahusay sa paggawa ng pelikulang Pilipino para sa taong 2022, pati na ang natatanging pagganap ng mga aktor at aktres. […]