QCPD ipinagdiwang ika-85 taong pagseserbisyo sa Qcitizen
- Published on November 28, 2024
- by @peoplesbalita
IPINAGDIWANG ng Quezon City Police District (QCPD) ang kanilang ika-85 taong anibersaryo na may temang “Tayo ang QCPD: May Dangal, Disiplina at Kasanayan, Kaagapay ng Pamayanan Tungo sa Ligtas at Maunlad na Bukas” sa M.I.C.E Center, Quezon City Hall, Quezon City.
Ayon kay QCPD Director PCol. Melecio Buslig Jr, patuloy pa rin nilang pangangalagaan ang kapakanan ng QCitizen sa pamamamagitan ng mas pinaigting na mga kampanya at proyekto.
Nagpasalamat at pinagkalooban ng QCPD ng Plaque of Appreciation si Mayor Joy Belmonte dahil sa patuloy na suporta nito sa mga proyekto ng QCPD at sa mismong mga pulis upang magampanan ng maayos ang kanilang tungkulin.
“Ang sabi nga: ‘With great power comes great responsibility.’ Kaya saktong sakto ang marching orders na binibigyang-diin ng inyong 85th Founding Anniversary: Dangal. Disiplina. Kasanayan.
Mabigat na responsibilidad ang dala-dala ninyo, dahil nasa kamay ninyo ang pagsiguro na payapa at maayos ang araw-araw na buhay ng ating mga kababayan.” ani Belmonte.
Dagdag pa ng alkalde, nasa tamang direksiyon ang pamumuno ni Buslig kung saan oras- oras itong nagbibigay ng impormasyon at update sa mga nangyayari sa lungsod.
-
3 SOUTH KOREANS INARESTO NG BI
INARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong South Koreans na nasa listahan ng wanted ng kagawaran at illegal na paninirahan sa bansa. Sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ng BI’s fugitive search unit (FSU), kinilala ang tatlo na sina Han Jeongcheol, 47, Yang Wonil, 48, at Cho […]
-
DSWD enhances PBBM admin’s food stamp program to promote self-sufficiency and contribute to nation-building
THE DEPARTMENT of Social Welfare and Development (DSWD) is making adjustments to the food stamp program initiated by President Ferdinand R. Marcos Jr.’s administration, aiming to empower beneficiaries and encourage their active participation in nation-building. DSWD Undersecretary Edu Punay said they are now working on the design of the food program to […]
-
Galaw-galaw nang ‘di pumanaw
PAHAGING lang po sa sports ang kolum ko ngayon mga giliw naming mambabasa. Maglilimang buwan nap o tayong quarantine o lockdown bilang hakbang ng pamahalaan na mapigilan ang coronavirus disease 2019 pandemic. Habang tumatagal gaya ninyo inip na rin po ako sa lockdown. Pero huwag po tayong maging negatibo. Tayo rin ang […]