Galaw-galaw nang ‘di pumanaw
- Published on August 6, 2020
- by @peoplesbalita
PAHAGING lang po sa sports ang kolum ko ngayon mga giliw naming mambabasa.
Maglilimang buwan nap o tayong quarantine o lockdown bilang hakbang ng pamahalaan na mapigilan ang coronavirus disease 2019 pandemic.
Habang tumatagal gaya ninyo inip na rin po ako sa lockdown.
Pero huwag po tayong maging negatibo. Tayo rin ang kawawa kapag nagpaaketo tayo.
Isang mabisang payo ko po sa inyo riyan ang pag-eehersisyo. Pagkagising natin sa umaga upang patuloy na maging masigla ang ating katawan.
Araw-arawin natin ito para mas epektibo o mabisa na maging mabuti ang ating kalusugan. Siyempre kailangan din nating matulog ng walo o higit pang oras sa gabi, kumain nang masusustansiyang mga pagkain lalo na ng mga prutas, gulay at isa. Uminom din palagi nang sapat na tubig sa maghapon.
Marami na pong makikitang iba’t ibang exercise sa Google sa FB at iba pang socmed applications. Hanap lang po tayo.
Para sa mga beginner, huwag po nating sagarin agad. Pautay-utay lang bawat araw o every other day lang kung busy rin tayo sa ibang gawain.
Mahalaga po ang pag-e-exercise. Ako po na work from home kundi man magawa daily ay sa salitang araw. Sana kayo rin, tayo pong lahat.
Simulan po natin sa basic at mas maigsing oras muna tapos level up na lang tayo sa mga susunod na araw hanggang sa tumagal na tayo at makagawian na natin o routine na ito.
Ang mga atleta bago at matapos ng training nila, nag-eehersisyo rin. Tayo pa kaya?
Sabi nga nila, galaw-galaw nang hindi pumanaw.
***
Kung may komento o tanong po kayo, i-email lang po ninyo ako sa jeffersoncogriman@gmail.com.
Idalangin po nating lahat na matapos na po ang COVID-19. Ingat po. God bless us all. (REC)
-
Mental health programs sa mga paaralan, palalakasin ng DepEd
PLANO ng Department of Education (DepEd) na palakasin pa ang mental health programs sa mga iskul, kasunod na rin ng ilang karahasan na naganap mismo sa loob ng mga paaralan. Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, nais nilang matugunan ang mga naturang problema sa school level pa lamang. “We can see […]
-
OBRERO SA MALACANANG, NAKURYENTE
NASAWI ang isang 21 anyos na construction worker nang makuryente matapos hawakan ang steel scaffolding sa kanilang barracks sa loob ng Malacanang Park Huwebes ng hapon. Kinilala ang biktima na si Leonard Bulado Jr y Llanto,binata, tubong Masbate City at stay-in sa EP Clubhouse barracks sa loob ng Malacanang. Sa ulat […]
-
Mga nakabili ng tickets para sa FIFA World Cup 2022 aabot na sa halos 3-M
AABOT na sa halos tatlong milyon tickets ang naibenta para sa FIFA World Cup sa Qatar. Ayon kay World Cup Chief Operating Officer Colin Smith na ang pangunahing bansa na nakabili ng tickets ay mula sa Qatar, US, at Saudi Arabia. Sa pinakahuling bilang ay aabot na sa 2.89 milyon ang […]