• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Quad Comm kay Roque:’Sumuko ka na lang’

Nanawagan ang House Quad Comm kay dating Presidential Spokesperson Harry Roque na sumuko na lamang matapos pinawalang bisa ng Supreme Court (SC) ang kaniyang apela kaugnay sa inilabas na detention order ng komite.

 

 

Ginawa nina Sta Rosa City Rep. Dan Fernandez at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang panawagan kasunod ng pagtanggi ng SC sa hiling ni Roque.

 

 

Si Roque ay nauugnay sa iligal na operasyon ng Philippine offshore gaming operators (POGOs) na itinuring na person of interest.

 

 

Naghain siya ng petisyon para sa writ of amparo, isang protective writ na inilapat niya para makatakas sa detention habang iniimbestigahan ng Quad Comm ang kanyang pagkakasangkot sa mga iligal na gawain ng mga POGO.

 

 

Ayon kay Fernandez hindi na ito ang panahon para magpalusot, dapat narin niyang harapin at sagutin ang mga alegasyon.

 

 

Hinimok ni Barbers si Roque na makinig sa rule of law at makipagtulungan sa patuloy na imbestigasyon, na nagbunyag ng nakababahalang koneksyon ng mga POGO sa iba pang ipinagbabawal na gawain, kabilang ang mga sindikato ng iligal na droga at extrajudicial killings.

 

 

Sa desisyon ng SC, na ibinaba noong Oktubre 1, nilinaw na ang writ of amparo ay para sa mga kaso ng extrajudicial killings o enforced disappearances, mga sitwasyong hindi nalalapat sa kaso ni Roque.

 

 

Hinikayat ni Barbers si Roque na respetuhin ang ang legal na proseso. (Daris Jose)

Other News
  • Mananakay mas makikinabang sa motorcycle taxi law

    MAS MAKIKINABANG umano ang mga mananakay sa sandaling maisabatas ang motorcycle law dahil makakahikayat pa ito ng pagpasok ng motorcycle companies sa bansa.     Ito ang sinabi ni Grab Senior Executive Vice President Lim Yew Heng sa joint public hearing ng Senate committees on Public services and Local government kaugnay sa panukalang pag-regulate at […]

  • Health expert, nagbabala ng COVID-19 ‘surge’ matapos ang May 9 polls

    MAAARING maharap ang bansa sa panibagong surge ng COVID-19 cases matapos ang May 9 polls o sa mga susunod na ilang buwan.     Pinagbasehan ng isang government health adviser ang multiple factors na puwedeng maging dahilan nito kung saan kabilang dito ang pagdaraos ng superspreader events at ang humihinang immunity sa populasyon ng mga […]

  • Help protect free election, democracy

    HINILING ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga miyembro ng media araw ng Huwebes na tumulong na tiyakin ang pagsasagawa ng malinis, tapat at transparent midterm elections sa susunod na taon at bantayan ang demokrasya ng bansa. Sa pagsasalita sa 50th Top Level Management Conference (TLMC) na inorganisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster the […]