• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Quezon City at DTI kapit-bisig sa pagpapabilis sa proseso ng business permit

LUMAGDA sa isang memorandum of agreement ang  Quezon City government at Department of Trade and Industry (DTI) upang maisama ang Business Name Registration System (BNRS) ng DTI sa QC’s Online Business Permit Application System (OBPAS) para sa mas mabilis na proseso ng business permit sa lungsod.

 

 

Ang kasunduan para sa integration ay nilag­daan nina Quezon City Mayor Joy Belmonte at Trade Secretary Alfredo Pascual na may malaking tulong para higit na mapadali ang pagproseso ng mga negosyo, agad makita ang mga pinekeng submission ng mga requirements at epektibong masubaybayan ang compliance ng mga QC-based businesses.

 

 

“Since one of the requirements for processing the business permits of sole proprietors is the certificate of business name registration (CBNR) from DTI, we need to ensure compliance. Instead of manually verifying the authenticity of CBNRs, the integration will allow digital processing of data and documents thereby speeding up the process,” pahayag ni Belmonte

 

 

Batay sa rekord ng DTI, tumaas ng mula 35 percent sa 75 percent ang business name applications base sa payment collections na natanggap mula nang mailunsad ang BNRS Next Gen noong 2019, habang ang Quezon City ay may mahigit  65,000 businesses na halos kalahati nito ay rehistrado sa CTI.

 

 

 

Samantala, nakipagkasundo rin si Mayor Belmonte sa 142 barangays ng QC para sa  integration ng barangay clearance at barangay business permit fees sa OBPAS.

 

 

Sa pamamagitan ng integration ng barangay business permit fees at clearances application, ang QC LGU ay awtomatikong kokolekta ng bayarin na magpapataas sa revenues ng mga barangay.

 

 

Tiniyak ni Belmonte na sa pamamagitan ng dalawang kasunduan ay may malaking tulong ito na magkaroon ng pagbabago sa entrepreneurial landscape at magkaroon ng isang culture of innovation, competitiveness, at economic prosperity sa QC. (Daris Jose)

Other News
  • Ilang basic education student, bagsak na grado ang nakuha sa Science at Math

    NAKAKUHA ng bagsak na grado sa agham at matematika ang ilang basic education student mula sa  ilang pribadong eskuwelahan na sumali  sa isang assessment na layong masolusyonan ang tinatawag na learning loss.     Ang learning loss ay ang pagkawala ng kaalaman na karaniwang epekto ng mahabang puwang o matagal na pagkakahinto sa edukasyon ng […]

  • 6 heads of state, makakapulong ni PBBM sa US trip

    SINABI ng Malacanang na wala pang eksaktong bilang ng mga heads of state na makakadaupang palad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pagtungo sa Estados Unidos.     Maliban kasi sa UN General Assembly, inaasahan din ang bilateral meetings ng mga dadalo sa event.     Pero sa hiwalay na pahayag ni Philippine Ambassador […]

  • PDU30, hiniling sa MMDA na bilisan ang pag- aaral ukol sa inilatag na panukala ng ahensiya

    HINILING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kung maaari ay paspasan nito ang ginagawang pag- aaral para mabawasan pa ang trapik sa National Capital Region (NCR).     Sinabi ni Pangulong Duterte kay MMDA Chairman Romando Artes na agad magsagawa ng pag- aaral at mula doon ay marepaso na […]