• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

QUEZON CITY AT MWSS LUMAGDA SA 3 MOA

LUMAGDA sa tatlong Memorandum of Agreement o MOA ang pamahalaang lungsod ng Quezon City sa katauhan ni Mayor Joy Belmonte at Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS na kinatwan naman ni Administrator Leonor Cleofas kahapon sa punong tanggapan ng MWSS sa Katipunan, Quezon City.
Kabilang sa mga napagkasunduan ng QC at MWSS ang pag renew ng Usufruct Agreement sa paggamit ng mahigit 10,000 square meter na property ng MWSS na kasalukuyang ginagamit ng Balara Elementary School at Balara High School, pagtatayo ng multi-purpose gymnasium sa Brgy. Pansol, at pagbigay ng right of way access sa Bistekville 5.
Nakipagpulong din si Mayor Joy sa pamunuan ng MWSS, Mr. J. V. Emmanuel De Dios ng Manila Water, Mr. Ramoncito Fernandez ng Maynilad, Rep. Franz Pumaren ng District 3, at mga kinatawan ng QC Government sa pangunguna ni City Administrator Michael Alimurung upang talakayin ang iba’t ibang proyekto para sa pagpapaunlad ng La Mesa Eco Park at conservation efforts para sa La Mesa Watershed.
Makakaasa ang mga mamamayan ng Quezon City na walang patid ang pakikipag-ugnayan ng QC, MWSS, at mga water concessionaires para makapagbigay ng sapat at ligtas na inuming tubig, mahusay at maayos na serbisyo para sa mga mamamayan. (Paul John Reyes)
Other News
  • Ikalawang yugto ng digmaan sa Ukraine, nagsimula na

    INIHAYAG  ni Ukraine Office of the President head Andriy Yermak na nagsimula na sa rehiyon ng Donbas ang “ikalawang yugto ng digmaan”.     Sa nasabing aktibidad, mas pinalakas pa ng Russia ang kanilang opensiba.     Ngunit, hinimok ni Yermak ang mamamayan ng Ukraine na magtiwala sa kanilang Armed Forces.     Nauna nang […]

  • Magpi-perfom sa ‘Ang Larawan: The Concert: BEA at JERICHO, parehong excited na makatrabaho ang mga beterano sa teatro

    KAPWA magpi-perfom sa ‘Ang Larawan: The Concert’ sina Bea Alonzo at Jericho Rosales.      Sa May 6 na ito at magaganap ito sa Metropolitan Theater sa Lawton, Manila.     On Instagram, nag-share sina Echo at Bea ng kanilang excitement na makakatrabaho nila ang mga veteran theater performers sa ‘Ang Larawan: The Concert.’   […]

  • Dahil imposible pang magkasama sa teleserye GABBY at SANYA, balik-tambalan sa isang Christmas episode

    WHO will be the Ultimate Winner of “Running Man Philippines?”       Finale episodes na this weekend ng “Running Man Philippines” at malalaman na kung sino ang mananalo sa mga contestants na sina Mikael Daez, Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Kokoy de Santos, Angel Guardian, Lexi Gonzales and Buboy Villar.     Wala ka kasing […]