• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Quezon City isinailalim sa ‘moderate risk’ dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases

ISINAILALIM sa “moderate risk” na klasipikasyon ang Quezon City dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa naturang lungsod sa mga nagdaang linggo.

 

 

Anang lokal na pamahalaan ng QC, mula kasi sa 221 kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay umakyat ito sa 245.

 

 

“Umakyat na rin sa ‘moderate’ risk ang level ng lungsod ayon sa DOH at OCTA Research. Ibig sabihin, medyo mataas ang risk exposure sa COVID-19,” saad nila sa isang paskil, Linggo.

 

 

Dagdag pa rito, umakyat din anila ang positivity rate ng nasabing lungsod mula 12.9% na ngayo’y 15.2% na.

 

 

“Nagkaroon din ng pagtaas sa positivity rate na ngayon ay nasa 15.2% na mula sa 12.9%. Ang positivity rate ay patungkol sa bilang ng nagpopositibo mula sa mga na-test para sa COVID-19.”

 

 

Samantala, bumaba naman ang reproduction number o R0 ng QC sa 1.29.

 

 

“Ang R0 na mas mababa sa 1 ay nangangahulugan na ang bawat kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay may maliit na tsansang makapanghawa, o magdulot ng bagong infection,” paliwanang nila.

 

 

Dahil dito, pinaaalahanan ng QC LGU ang kanilang mga residente na huwag maging kampante at patuloy pa ring obserbahan ang COVID-19 protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at pag-iwas sa “3cs” — confined, crowded at close-contact settings.

 

 

Batay sa pinakabagong datos ng Health Department, nasa 37,805 na ang kasalukuyang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Philippines-best tankers hakot ng 2 golds, 3 silvers sa France

    UMARANGKADA pa nang husto ang Pinoy tankers matapos humakot ng dalawang ginto at tatlong pilak na medalya sa 10th Circle of Swimmers of Melun Val de Seine na ginaganap sa Piscine de Melun swimming pool sa Melun, France.     Rumesbak si Philippine national junior record holder Micaela Jasmine Mojdeh sa pagkakataong ito matapos pagreynahan […]

  • Na-ICU after makitang unresponsive: MADONNA, natanggal na ang tube at nasa recovery stage na

    ITINAKBO sa ICU ng isang New York City hospital ang singer na si Madonna pagkatapos itong makitang unresponsive.   Na-intubate ang 64-year old singer at ang latest ay natanggal na yung tube at nasa recovery stage na ito.   Ayon sa longtime manager ni Madonna na si Guy Oseary: “She developed a serious bacterial infection […]

  • Rain or Shine pasok na quarterfinals matapos talunin ang NLEX 110-100

    Pasok na quarterfinals ang Rain or Shine matapos na talunin ang NLEX 110-100 ng PBA Commissioner’s Cup.     Nanguna sa panalo ng Painters ang import na si Ryan Person na nagtala ng 24 points at siyam na rebounds habang mayroong 19 points si Andrei Caracut at Gian Mamuyac ay nagtala rin ng 15 points […]