• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Quezon City LGU tuloy sa pamimigay ng ELSAROC boxes

PATULOY ang pamamahagi ng Quezon City LGU ng earthquake at landslide search and rescue boxes (Elsaroc) sa lungsod katuwang ang Quezon City Disaster Risk Reduction Office ng lokal na pamahalaan.

 

 

Sa patnubay ni QC Mayor Joy Belmonte, sinabi ni QC District 1 Councilor Charm Ferrer na patuloy ang kanilang pamamahagi ng ELSAROC boxes sa iba’t ibang barangay sa lungsod bilang paghahanda sa ka­lamidad at emergency.

 

Pinakahuling nakatanggap ng ELSAROC boxes ang Barangay Masambong, San Jose at Balingasa.

 

Sinabi ni Ferrer na ang laman ng bawat ELSAROC boxes ay gamit sa pagsagip at pag-rescue sa panahon ng lindol at landslide.

 

 

Sa pamamagitan aniya ng mga ito, pinalalakas ang kahandaan ng mga barangay sa mga hindi inaasahang kalamidad na tatama sa QC.

Other News
  • SIM registration law para labanan ang mga scam, planong amyendahan

        PLANONG amyendahan ni Senador Sherwin Gatchalian ang Subscriber Identity Module (SIM) Registration Law kasunod ng malawakang paggamit ng (SIM) card ng mga salarin upang makapandaya at mang-scam.     Binigyang-diin ni Gatchalian ang pangangailangang tukuyin ang mga indibidwal o organisasyon na nagbibigay-daan sa paggamit ng mga rehistradong SIM sa mga ilegal na operasyon […]

  • Covid-19 vaccine hindi dapat pagkakitaan o gawing commercialize ng mga ospital- Sec. Galvez

    IGINIIT ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez na hindi talaga dapat na maging commercialize o maibenta sa mga ospital ang Covid-19 vaccine.   Sinabi ni Sec.Galvez, na kung siya ang tatanungin ay nais niyang mapangalagaan ang kasalukuyang proseso na ipinatutupad ng Food and Drug Administration (FDA) pagdating sa pag-aangkat ng bakuna.   Aniya, una nang […]

  • “Bigtime pusher” dinamba sa P220K shabu sa Pasay

    Arestado ang isang bigtime drug pusher sa isinagawang buy bust operation ng mga tauhan ng Pasay City Police kahapon Pebrero 27 ng madaling araw sa isang hotel sa Pasay.   Hindi na nagawang makapalag ni Jomark Andres alyas “Jopaks”, walang trabaho at nakalista sa drugwatch list ng pulisya nang masakote sa aktong nagbebenta ng shabu […]