• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Quiambao sinandalan ng DLSU

TUNAY na masasandalan si reigning MVP Kevin Quiambao ng De La Salle University sa laban nito sa UAAP Season 87 men’s basketball tournament.

 

Pinatunayan na naman ni Quiambao ang bagsik nito matapos dalhin ang La Salle sa dikdikang 78-75 panalo laban sa National University upang matamis na makuha ang kanilang unang panalo.

 

 

Alam ni Quiambao ang role nito sa Green Archers.

 

 

Kaya naman siniguro nitong hindi babagsak ang kanilang tropa.

 

Nakalugmok sa 64-71 ang La Salle sa huling limang minuto ng laban.

 

 

Agad na rumesponde si Quiambao nang magpa­kawala ito ng matatalim na atake kabilang ang umaatikabong tres sa huling 10 segundo ng laban para ma­kuha ng Green Archers ang panalo.

 

 

“Pinoint out ko lang sa sarili ko na kailangan kong mag-takeover mode, so ang ginawa ko lang ay na­ging glue guy lang ako ng team then good thing naman pu­masok ‘yung tira ko,” ani Quiambao na umiskor ng 22 points, 8 rebounds at 7 assists.

Other News
  • Top 7 most wanted person ng Caloocan, laglag sa selda

    BINITBIT ng pulisya sa selda ang isang lalaki na nasa top 7 most wanted person ng Caloocan City matapos matimbog sa ikinasang manhunt operation sa naturang lungsod.     Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Caloocan police hinggil sa kinaroroonan […]

  • FILING NG COCC, WALANG EXTENSION

    Walang extension ng  filling ng Certificate of Candidacy o COC, ayon sa Commission on Elections (Comelec).   Sinabi ni Comelec Spokesman Director James Jimenez, ang filling ng COC ng mga nais kumandidato para sa 2022 May election ay nakatakda sa October 1 hanggang 8, 2021.   Ayon kay Jimenez, ang last minute ng pagbabnago ng […]

  • Pokwang na binash dahil sa maling spelling, bumuwelta rin: Statement ni ELLA na ‘History is like a chismis’, pinag-uusapan pa rin

    USAP-USAPAN pa rin hanggang ngayon ang naging pahayag ni Ella Cruz nang tanungin tungkol sa pagganap bilang Irene Marcos sa pelikula ng Viva Films na “Maid In Malacañang” na mula sa direksyon ni Darryl Yap.     Natanong kasi sa aktres, “Upon accepting the project, siyempre meron ka nga ‘no pinag-usapan sa school, di ba, […]