• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Quiapo Church idineklara nang ‘National Shrine’

PORMAL nang idineklara na “National Shrine” ang Minor Basilica of the Black Nazarene (Quiapo Church) sa isang seremonya ng deklarasyon sa loob ng simbahan January 29.

 

 

Pormal na tinanggap ni Manila Arcbishop Jose Cardinal Advincula at ni Fr. Rufino “Jun” Sescon, ang official decree na nagdedeklara sa Quiapo church bilang National Shrine mula kay Bishop Pablo David.

 

 

Matatandaan na unang idineklara na National Shrine of the Black Nazarene ang Quiapo Church sa ika-126 Plenary Council ng Catholic Bishops Conference of the Philippine noong Hulyo 9, 2023 sa Kalibo, Aklan.

 

 

Itinaas ang Simbahan bilang isang shrine makaraang maabot ang mga pangangailangan ng national Episocpal Conference na kumikilala sa impluwensya ng simbahan sa kultural, kasaysayan, at sa buhay ng mga mananampalataya.

 

 

Partikular dito ang debosyon sa Itim na Nazareno ng mga Katoliko at ang tradisyunal na Traslacion na humahatak ng milyon-milyong deboto kada Enero ng bawat taon.

 

 

Noon pang 1987 nang ideklara ni St. John Paul II, ang dating Santo Papa, na Minor Basilica ang Quiapo Church.

 

 

Samantala, idineklara ni Pope Francis na minor basilica ang St. John the Baptist Church o simbahan ng Taytay sa Rizal, ayon sa anunsyo ng Diocese of Antipolo.

 

 

Tatlong araw ito makaraang unang ideklara naman na International Shrine ang Our Lady of Good Voyage sa Antipolo City nitong Enero 26.

 

 

Ang nasabing simbahan ng Taytay ay itinatag noong 16th century at kauna-unahang minor basilica ng Diocese of Antipolo. (Daris Jose)

Other News
  • Mataas na death rate na nai-record ng DOH ng nagdaang Marso at Abril na namatay dahil sa COVID

    INIHAYAG ng mga eksperto na maliban sa mga matatanda at mga tinaguriang may commorbidities ay kasama ang mga nagpalipas pa muna ng ilang mga araw bago magpatingin sa duktor ang dahilan ng mataas na death rate na nai-record ng DOH ng nagdaang Marso at Abril na namatay dahil sa COVID 19.   Sinabi ni Dr […]

  • 7,000 slots, bukas para sa TNVS application – LTFRB

    INANUNSIYO ng Land Transportation Franchising and Regulatory (LTFRB) na basa 6,869 slots pa ang bukas para sa aplikasyon para sa transport network vehicle service (TNVS).     Sa kasalukuyan kasi, nasa mahigit 1,000 pa lamang ang natatanggap na aplikasyon ng ahensiya mula ng magsimula ang aplikasyon noong Abril 30.     Kaugnay nito, nag-abiso ang […]

  • “WONKA” SERVES UP AN EARLY CHRISTMAS TREAT ✨ RELEASE DATE MOVED UP TO DECEMBER 6 IN PH, ONE WEEK AHEAD OF THE U.S.

    STEP into a world of pure imagination, and get ready for an early Christmas present!  The release date for the much-anticipated “Wonka,” starring Timothée Chalamet as the beloved chocolate-maker, has been moved up to December 6 (formerly January 2024 yet) in international markets, including the Philippines. Thus, Filipino fans will be among the first to […]