• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Quiapo Church, nanawagan sa mga deboto na makiisa sa “localized traslacion” ng Poong Hesus Nazareno

Nanawagan ang pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene sa mga deboto ng Poong Hesus Nazareno na makiisa sa “localized traslacion 2021” sa halip na dumagsa sa Quiapo church.

 

 

Inihayag ni Rev.Fr. Danichi Hui, Parochial Vicar ng Basilica na ginawang localized ang Traslacion ngayong 2021 bilang pag-iingat sa banta ng corona virus.

 

 

Ayon kay Rev. Fr. Danichi Hui, Parochial Vicar ng basilica, humingi ng tulong ang Quiapo Church sa mga simbahan sa Metro Manila at maging sa iba’t ibang lalawigan upang magsagawa ng nobenaryo at mga misa para sa kapistahan ng Mahal na Poong Hesus Nazareno.

 

 

“Localize celebration meaning sa mga provinces na pinagdalhan namin ng image ng Nazareno ay magsi-celebrate sila doon ng novena masses at fiesta mass. We also asked some parishes and diocese to celebrate novena,” pahayag ni Fr. Hui sa Archdiocese of Manila – Office of Communications.

 

 

Ibinahagi ng pari na kanilang hiniling sa mga lalawigan na may mas maluwag na panuntunan ng community quarantine ang pagsasagawa ng motorcade sa imahe ng Poong Nazareno.

 

 

“Bilang isang deboto ang hiling namin ay una sumunod sa mga minimum health protocols (new normal protocols) second, kung pupunta ng Quiapo, alamin muna ang mga entrances at exit points para di maabala,” dagdag pa ni Fr. Hui.

 

 

Panawagan naman nito sa mga deboto na may karamdaman na huwag nang pumunta sa simbahan sa halip ay antabayanan at subaybayan na lamang sa social media pages ng Quiapo church tulad ng Facebook, YouTube at Twitter upang makaiwas sa sakit.

 

 

Naniniwala ang basilica na sa pamamagitan ng localized traslacion ay mabawasan ang pagdagsa ng mga deboto sa Quiapo Church sa ikasiyam ng Enero lalo’t naitatala taun-taon ang mahigit sampung milyong indibidwal na nakikilahok sa Traslacion.

 

 

Ilan sa mga lugar na bibisitahin ng imahe ng Poong Nazareno sa National Capital region ang Hospicio de San Jose; Jan 1, San Lazaro Hospital; Jan 2, Manila Cathedral; Jan 3, Greenbelt Chapel; Jan 4, Manila City Hall; Jan 5, Bureau of Fire Prevention – QC; Jan 6, Manila Police District; and Jan 7, Brgy. 394.

 

 

Bukod sa mga parokya sa National Capital Region ay may mga lugar din na bibisitahin ang replica image sa Northern at Southern Luzon.

Other News
  • Big factor ang communication sa relationship: MIGUEL, gabi-gabing tinatawagan si YSABEL noong nasa South Korea

    GABI-GABING kausap ni Miguel Tanfelix si Ysabel Ortega kahit nasa South Korea siya ng forty three days para sa shoot ng ‘Running Man Philippines Season 2.       Lahad ni Miguel, “Iyon naman po yung compromise naming dalawa since forty three days ako sa Korea. “Parang every night, tinatawagan ko siya, talked about our […]

  • MRT, LRT balik sa buong kapasidad ngayon Alert Level 1

    Inihayag ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) at Light Rail Transit Line 1 (LRT1) na balik na sa buong kapasidad ang dalawang nasabing rail lines ngayon nasa Alert Level 1 na ang Metro Manila.       “Trains of the MRT 3 can carry a total of 1,182 passengers per set, consisting […]

  • PSC suportado rin ang mga atleta sa Tokyo Paralympics

    Kagaya ng mga national athletes na sasabak sa Olympic Games, makakatanggap din ng parehong suporta ang mga lalahok sa Paralympic Games sa Tokyo, Japan.     Sinabi ni Philippine Sports Commissioner Arnold Agustin na ito ang pinagtibay ng PSC Board para sa kampanya ng mga Paralympians.     “The PSC Board agreed to give the […]