• March 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

QUIBOLOY, NAGSUMITE NG COC

KUMPIRMADONG tatakbo sa Senado si Pastor Apollo Quiboloy, ang leader ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na inaresto ng mga awtoridad noon lamang nakaraang buwan sa KOJC compound sa Davao City.

 

 

Ayon kay Comelec spokesperson Atty.John Rex Laudiangco na tinanggap ang Certificate of Candidacy (COC) ni Quiboloy ala 1:47 ng hapon nitong Martes, Okt.8 dahil mayroon itong duly authorized representative na nagsumite ng kanyang kandidatura.

 

 

Sa pamamagitan ng kanyang kinatawan , inihain ni Atty.Mark Christopher Tolentino ang COC ni Quiboloy.

 

 

Si Quiboloy ay inaresto dahil sa arrest warrants dahil umano sa paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, at Discrimination Act maging sa qualified human trafficking.

 

 

Kinasuhan din siya ng federal grand jury sa US District Court for the Central District of California para sa conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud and coercion and sex trafficking of children; sex trafficking by force, fraud and coercion; conspiracy; at bulk cash smuggling.

 

 

Kasalukuyang nakaditene si Quiboloy sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City. GENE ADSUARA

Other News
  • Senior citizens, hirit ibaba sa 56-anyos sa halip na 60

    PARA mas maaga at mahabang panahon na mapakinabangan ang mga benepisyo, nais ni Sen. Bong Revilla na ibaba sa 56-anyos ang edad ng senior citizen sa halip na 60 taong gulang. Sa Senate Bill 1573 ni Revilla, bukod sa pagpapababa ng edad ay nais din niyang dagdagan ang mga benepisyo. Sa sandaling maisabatas, lahat ng […]

  • Ads September 4, 2020

  • Maapektuhan kaya ang mga kontrata at endorsements nila?: JERALDINE, inaming hiwalay na sila ni JOSH at co-parenting kina NIMO at JETTE

    NAGULAT talaga kami sa bagong Instagram video na ipinost ni Jeraldine Blackman.  Umaasa kami na sana ay “prank” lang ito, pero hanggang dulo, umiiyak ito at walang “It’s a prank!” na litanya. Nakahihinayang dahil ang minahal ng hindi lang mga Pinoy, maging ibang lahi na The Blackman family ay hindi na buo bilang isang pamilya. Inamin […]