• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Quiboloy pinaaaresto na ng Senado

NAGLABAS na ng warrant of arrest ang Senado laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy.

 

 

Inatasan ni Senate Presi­dent Juan Miguel Zubiri ang Office of the Sergeant-At-Arms na arestuhin at ikulong si Quiboloy sa kanilang tanggapan.

 

 

Sinabi ni Zubiri na pinatawan ng “contempt” si Quiboloy noong Marso 5, 2024 dahil sa paulit-ulit na pag-isnab sa pagdinig ng Senate Committee on Children, Family Relations and Gender Equality na pinamumunuan ni Sen. Risa Hontiveros noong Enero 23, Pebrero 19, at Marso 5.

 

 

Binanggit din ni Zubiri na tanging abogado lamang ang ipinadala ni Quiboloy sa halip na personal na magpakita sa hearing.

 

 

Iniimbestigahan ng komite si Quiboloy dahil sa napaulat na paglabag sa human trafficking, rape, sexual at child abuse.

 

 

“The Sergeant-At-Arms is hereby directed to carry out and implement this Order and make a return thereof within twenty-four (24) hours from its enforcement,” nakasaad sa Order.

 

 

Samantala, binanggit din ni Zubiri na kung dadalo si Quiboloy sa susunod na hearing ay makakaiwas na ito sa contempt at hindi na kailangang arestuhin.

 

 

Ipinaliwanag ni Zubiri na hindi layunin ng order of arrest na parusahan ang isang tao kundi tiyakin na ang pagdinig ay makapangyarihan at sinusunod. (Daris Jose)

Other News
  • Hundred million percent na sure na: KHALIL, pakakasalan at ‘di na pakakawalan ang long-time gf na si GABBI

    INAMIN ni Kapuso actor Khalil Ramos, nang mag-guest sa “Fast Talk with Boy Abunda” last Monday, na he’s “a hundred million percent” sure nang ang pakakasalan niya ay ang long-time girlfriend niyang si Kapuso actress Gabbi Garcia, when the time comes.     “Realistically kasi when we started  our relationship we really intended our relationship […]

  • Transport group na PISTON , bigong makakuha ng TRO mula sa SC

    HINDI  agad pinaboran ng Korte Suprema ang petisyon ng transport group na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide o PISTON na humiling na suspendihin ng korte ang jeepney consolidation program ng pamahalaan.     Kaugnay nito, pinagpapaliwanag ng Korte Suprema ang DOTr at LTFRB hinggil sa petition for certiorari and Prohibition with […]

  • 7 pang testigo babaliktad pabor kay De Lima

    ILAN pang witnesses na dati nang tumestigo laban kay dating Sen. Leila de Lima ang nagpahayag ng kanilang kagustuhang bawiin ang mga naunang testimonya kaugnay ng huling drug case ng opposition figure.     Kaugnay ito ng liham na ipinadala ng mga sumusunod na preso-testigo habang inihahayag ang kagustuhang bawiin ang mga naunang pahayag sa […]