Quick response ng gobyerno, nakahanda na
- Published on December 18, 2021
- by @peoplesbalita
“All hands are on deck in government’s quick response as Typhoon Odette made landfall this afternoon.”
Ito ang tiniyak ni acting Presidential Spokesperson Cabinet Secretary Karlo Nograles.
“As of December 16, 2021,” alas-2 ng hapon nang itaas ng weather forecasters ang Tropical Cyclone Warning Signal # 4 sa Southern Leyte, southwestern portion ng Leyte, Bohol, central at southern portions ng Cebu sa Visayas at Dinagat Islands at Surigao del Norte including Siargao at Bucas Grande Islands sa Mindanao.
Ani Nograles, ang Department of Social Welfare and Development, kabilang na ang kanilang Field Offices, ay mayroong available disaster response standby funds at family food packs na naka- prepositioned na sa iba’t ibang strategic areas sa typhoon-affected regions.
“As of December 16, 2021”, 11:00 ng umaga, ang mga concerned government agencies ay nagsagawa ng pre-emptively evacuated ng 98,091 katao mula sa Region 7, Region 8, Region 10, at CARAGA.
Samantala, ang paalala aniya ng gobyerno sa publiko lalo na sa mga typhoon-affected regions, na magsagawa ng kaukulang precautionary measures at makipagtulungan sa kani-kanyang awtoridad kung may pangangailangan ng agarang paglilikas sa kanilang lugar. (Daris Jose)
-
Sa Gabi ng Parangal ng ‘7th EDDYS’ sa July 7: JANINE, magsisilbing host kasama sina GABBI at JAKE
ASAHANG mas magniningning pa ang Gabi ng Parangal para sa gaganaping 7th EDDYS o Entertainment Editors’ Choice ngayong July 7, 2024. ‘Yan ay dahil sa tatlong celebrities na magsisilbing host ng ika-7 edisyon ng The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd). Pangungunahan ito ng itinanghal na Best Actress sa 6th EDDYS […]
-
James Bond 26 Will Be A Reinvention After Daniel Craig’s Exit
LONGTIME James Bond producer, Barbara Broccoli, explains that the iconic 007 spy will be reinvented following Daniel Craig’s exit in No Time to Die. Originally created in 1953 by author Ian Fleming, James Bond charmed audiences around the world in his first feature film Dr. No in 1962, starring Sean Connery as the captivating 007. The franchise eventually […]
-
De Lima inabswelto ng korte sa ika-2 kaso kaugnay ng droga
IBINASURA ng isang korte sa Muntinpula kahapon Biyernes ang ikalawang kasong kinakaharap ni dating Sen. Leila de Lima kaugnay ng iligal na droga — ito matapos aminin ng isa sa mga susing testigo na gumawa siya noon ng pekeng alegasyon laban sa akusado. Nakita ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 na hindi […]