• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rabies data shared system, inilunsad ng JAPOHR-JICA, DOH at Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS- Inilunsad ng Japan and Philippines One Health Rabies project-Japan International Cooperation Agency (JAPOHR-JICA) at ng Kagawaran ng Kalusugan sa pakikipagtulungan ng Research Institute for Tropical Medicine at lalawigan ng Bulacan ang Rabies Data Shared System sa ginanap na pagdiriwang ng World Rabies Day 2021 kamakailan.

 

 

Sinabi ni Akira Nishizono, chief adviser ng JAPOHR-JICA mula sa Oita University, na Bulacan ang unang lugar sa buong mundo na gagamit ng naturang sistema.

 

 

“OITA university is the major partner to develop this shared system. I believe this system will provide all supportive information that ensure we’re not left behind from rabies free world. Let’s work together to eliminate rabies by 2030,” ani Nishizono.

 

 

Determinado naman si Gob. Daniel R. Fernando na makamit ang rabies-free Bulacan at nagpasalamat sa pagsisikap ng mga ahensya na walang sawang nagtataguyod sa pagkakaroon ng malusog na Bulacan.

 

 

“Maraming salamat po sa lahat ng mga ahensiya at organisasyon na patuloy na umaalalay sa atin upang makamit ang isang malusog na lalawigan tulad na lamang ng pagiging rabies-free ng Bulacan. Kaisa po ninyo ako sa inyong patuloy na pagpapahalaga sa kalusugan ng ating mga mamamayan na siyang kayamanan ng ating lalawigan. Naniniwala po ako na ang malusog na lipunan ay pundasyon ng totoong kaunlaran at katiwasayan,” pahayag ni Fernando.

 

 

Samantala, sinabi ni Dr. Beatriz Quiambao, chief ng clinical research division ng RITM at project coordinator ng JAPOHR sa Pilipinas, na isa itong ‘game changer’ sa laban kontra rabis.

 

 

“The rabies data shared system application that JAPOHR developed will allow sharing of information to enable a quick response to confirmed animal rabies case and will enhance collaboration between the animal and human health side. We expect to implement it and eventually reach our shared goal of establishing a one health rabies network in Bulacan that can be replicated in other provinces,” ani Quiambao.

 

 

Ayon naman kay Dr. Reildrin Morales, direktor ng Bureau of Animal Industry ng Kagawaran ng Agrikultura, na naaayon ang tema ngayong taon na “Facts not Fear” sa kasalukuyang kalagayan ng mundo.

 

 

“Despite the pandemic, it is important that we should not lose focus of eliminating rabies. We can help save lives by sharing the right information about rabies,” dagdag pa ni Morales.

 

 

Sa tala ng Provincial Veterinary Office, nakapagbakuna sila ng 55,829 na mga alagang hayop noong 2020 at 63,329 hanggang Setyembre 20 nitong 2021; nakapagsagawa ng 333 na maramihang pagkakapon noong 2020 at 97 para sa 2021; nagsagawa ng rabies test at nagsumite ng samples sa DA-RFO3 para sa kumpirmasyon kung saan saan sa pitong samples noong 2020, apat ang nagpositibo at sa 10 samples ngayong taon, anim ang nagpositibo sa rabis.

 

 

Samantala, siyam na katao naman ang naitalang nasawi dahil sa rabis noong 2018, anim noong 2019, pito noong 2020 at 11 sa unang semester ng 2021 habang 33,249 ang naitalang nakagat ng hayop noong 2018, 34,082 noong 2019, 35,691 noong 2020 at 21,971 noong unang semester ng 2021.

 

 

Ibinahagi din ni Provincial Health Officer Dr. Jocelyn Gomez ang mga dapat gawin matapos makagat ng aso kabilang ang paghuhugas sa umaagos na tubig ng nakagat na bahagi sa loob ng 10-15 minuto at agad na magtungo sa pinakamalapit na Animal Bite Treatment Center (ABTC), habang sinabi naman ni Provincial Veterinarian Dr. Voltaire Basinang na mahalaga din ang pag-quarantine sa aso ng hindi bababa sa 10 araw. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Pinas, Moderna nagkasundo sa 13 milyong doses

    Nagkasundo ang Moderna Inc. at gobyerno ng Pilipinas para sa pagbili ng 13 milyong doses ng bakuna ng kumpanya na nakatakdang ideliber sa bansa sa kalagitnaan ng taon.     Kinumpirma ito mismo ng Moderna Inc. kasabay ng pagsasabi na agad na aasikasuhin ang mga kinakailangang panuntunan tulad ng pagkuha muna ng ‘emergency use authorization […]

  • ELLA, inamin na parang ‘hinusgahan’ niya agad si Direk DARRYL dahil sa mga bashers

    HUMARAP sa members of the media ang cast ng Gluta para sa very first face to face presscon ngayong pandemic.     Dumalo sa presscon sina Ella Cruz, Marco Gallo, Rose Van Ginkel, at Juliana Parizcova Segovia who all expressed excitement dahil muli nilang nakaharap ang members of the media in the flesh.     […]

  • MATANDANG BINATA KULONG SA PANGMOMOLESTIYA SA 4 NA DALAGITA

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 54-anyos na binata matapos ireklamo ng pangmomolestiya sa apat na dalagita niyang kapitbahay sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.     Lango pa sa alak si Danilo Garcia, walang trabaho at residente ng 37 Don Basilio Bautista Blvd. Brgy. Hulong Duhat nang dakpin ng mga tauhan ni P/Maj. Patrick […]