• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RADSON, MATT at RAPHAEL, napiling gumanap na Mark, Big Bert at Little Jon sa ‘Voltes V: Legacy’

NOONG Lunes nang gabi sa 24 Oras, ni-reveal na ng GMA Network ang first 3 members ng Voltes V: Legacy.  

 

         

Unang pinakilala ang gaganap bilang Mark Gordon na si Radson Flores, na sumali sa reality show na Starstruck noong 2019. Hindi siya nakapasok sa Final 14 dahil sa twist na “Second Chance Challenge” nakabalik siya sa competition pero na-eliminate din sa “Last Chance Challenge.”

 

 

Sa Voltes V: Legacy, si Mark ang piloto ng Volt Bomber at kilala rin bilang magaling na horseback rider.

 

 

Playing the role of Big Bert Armstrong,  ang singer-songwriter Matt Lozano ang pinalad na mapili. Nakilala si Matt bilang winner ng “Spogify featuring Singing Baes” segment ng Eat Bulaga. Si Big Bert ang second eldest  sa Armstrong brothers at piloto ng Volt Panzer.

 

 

Si Raphael Landicho naman ang gaganap sa role ni Little Jon Armstrong. Tumatak ang role ni Raphael bilang Ethan, na anak nina Jessie (Max Collins) at Brylle Alejandro (Jason Abalos), sa 2019 Afternoon Prime series na Bihag.

 

 

Si Little Jon naman ang youngest sa Armstrong brothers at kino-consider siyang genius nang nakararami sa kanyang edad. At siya ang piloto ng Volt Frigate.

 

 

Ngayong gabi, February 10, ire-reveal naman kung sinu-sino ang gaganap na Steve Armstrong at Jamie Robinson, at sa Friday, meron pa rin makikilala na bahagi ng Boazanian empire.

 

 

As early as 2018, kumalat na ang bali-balitang na gagawin ng GMA-7 ang PH adaptation ng hit Japanese anime series na Voltes V na pinalabas sa Kapuso network noong late 70s.

 

 

Pero pinatigil noong April 1979 ni former President Ferdinand Marcos kaya ‘di na naipalabas ang finale episode, at kasamang ipina-ban ang iba pang katulad na anime series dahil sa “excessive violence.”

 

 

Muling pinalabas ng GMA-7 ang Voltes V noong 1999 at 2016. Noong December 2019, pinasisilip na ng Kapuso network ang teasers ng big ‘V’ na tuluyan nang isiniwalat sa New Year Countdown 2020 na kung saan pinalabas na ang full-animated teaser ng Voltes V: Legacy.

 

 

Ang second teaser naman ay ini-release noong January 14, 2021, na kung saan may pasilip na si Steve na naka-costume at pinakita rin ang super electromagnetic machine Voltes V na nag-take off mula sa Camp Big Falcon na pinuri at pinusuan ng netizens. (ROHN ROMULO)

Other News
  • Skateboard legend Tony Hawk patuloy ang pagpapagaling mula sa kaniyang leg injury

    MALUNGKOT  na ibinahagi ni skateboarding legend Tony Hawk na ito ay nagtamo ng injury sa kanyang binti.     Sa Instagram post ng 53-anyos na si Hawk sinabi nito na patuloy ang kanyang pagpapagaling.     Hindi naman na idinetalye kung paano niya natamo ang injury.     Nagpost din ito ng mga larawan habang […]

  • Tricycle driver sinaksak ng nakaaway sa birthday party

    NASA kritikal na kalagayan ang isang tricycle driver matapos saksakin ng kanyang nakaaway sa isang inuman sa birthday party sa Malabon city, kahapon ng madaling araw.   Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa likod ang biktimang si Mark Joseph De Guzman, 33, ng 10 Nadala, Merville Subd. Brgy. Dampalit.   Pinaghahanap […]

  • Alert Level 3 para sa NCR may ‘good chance’, – Sec. Roque

    HABANG patuloy na bumababa ang kaso ng Covid -19, sinabi ng Malakanyang na may “good chance” ang National Capital Region (NCR) na i-downgrade o ibaba sa Alert Level 3, stage ang bagong coronavirus (COVID-19) response system na ikinasa sa rehiyon.   Layon nito na payagan ang mas maraming negosyo at aktibidad para magbalik operasyon.   […]