Rain or Shine hindi pinaporma ang defending champion na Beermen 107-93
- Published on December 12, 2024
- by @peoplesbalita
Nalusutan ng Rain or Shine Elasto Painters ang defending champion na San Miguel Beermen 107-93 sa nagpapatuloy na PBA 49th Season Commissioner’s Cup na ginanap sa Filoil EcoOli Center sa lungsod ng San Juan.
Umarangkada ang Elasto Painters 12-0 sa kalagitnaan ng last quarter para maitala ang pangalawang sunod na panalo.
Sinabi ni Rain or Shine coach Yeng Guiao, na talagang pinilit niya ang kaniyang mga manlalaro na tapatan ng bilis ang Beermen para sila ay manalo.
Nanguna sa panalo ng Painters ang import na si Deon Thompson na nagtala ng 18 points habang mayroong 15 points, apat na rebounds, limang assists at apat na steals si Adrian Nocum.
Nagdagdag naman ng 14 points si Caelan Tiongson at tig-12 points sina Felix Lemetti at Keith Datu.
Nasayang naman ang nagawang 20 points at 10 rebounds ni June Mar Fajardo at 16 points ni Juami Tiongson para sa Beermen.
-
BANGKAY SA BAKANTENG LOTE SA TARLAC, NATUKOY NA
NATUKOY na sa pamamagitan ng DNA test ang natagpuang bangkay sa isang bakanteng lote sa Capas,Tarlac na si Normandie Pizarro na isang retirado nang Court of Appeals Justice . Ito ang kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) makalipas ang halos dalawang buwan mula nang matagpuan ang bangkay . Ayon kay NBI OIC […]
-
NBA: Pinalakas ni Domantas Sabonis ang Kings laban sa Warriors
Nagtala si Domantas Sabonis ng 26 puntos, 22 rebound at walong assist para tulungan ang Sacramento Kings na iposte ang 122-115 panalo laban sa bisitang Golden State Warriors noong Linggo ng gabi. Nag-ambag si De’Aaron Fox ng 22 puntos, walong assist at tatlong steals at si Keegan Murray ay may 21 puntos at tatlong […]
-
COVID TELEMEDICINE INILUNSAD SA KYUSI
INILUNSAD ng Quezon City government ang kauna- unahang COVID-focused Telemedicine. Sinabi ni QC Mayor Joy Belmonte na naisagawa ang proyekto sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH). Nasa 15 na laptop at desktop ang ibinigay ng DOH upang magamit sa HOPE Facilities at health centers. Sa pamamagitan nito, mababawasan nang magkaroon ng direct contact ang […]