RAP PARA LAMANG SA BAGONG BOTANTE
- Published on December 8, 2022
- by @peoplesbalita
LIMITADO lamang para sa mga bagong botante at transfer of registration registrants ang inilunsad na “register anywhere project” (RAP) ng Commission on Elections (Comelec).
Sa Comelec Resolution No. 10869, sinabi ng Commission en banc na ang mga aplikasyon na ito ang tatanggapin sa RAP booths sa limang malls sa Metro Manila.
“The Commission shall initially implement the RAP by conducting pilot testing, where only applications for New Registration and Transfer from Another City/District/Municipality shall be accepted,”
Sa ilalim ng proyekto, maari nang magparehistro ang mga kwalipikadong aplikante na naninirahan sa bansa sa pamamagitan ng pagsusumite ng kanilang application form, documentary requirements at ang kanilang biometrics ay kunin on-site.
Pagkatapos nito, ang mga isinumiteng dokumento at nakuhang biometrics data ay inendorso at ipapadala sa Opisina ng Election Officer ng distrito/lungsod/munisipyo na may hurisdiksyon sa tirahan ng aplikante.
Isasagawa ang pilot test ng RAP tuwing Sabado at Linggo mula Dec. 17, 2022 to Jan. 22, 2023.
Ang mga natukoy na mga venue ay sa SM Fairview in Quezon City, SM Mall of Asia in Pasay City, SM South Mall sa Las Piñas City, Robinsons Place sa Manila at Robinsons Galleria sa Quezon City.
Walang registration sa Dec. 24, 25, at 31, 2022, at Jan. 1, 2023.
Bumuo ang poll body ng limang RAP teams sa National Capital Region (NCR).
“Each RAP team shall be designated as a remote reception point of all OEOs (Offices of Election Officer),” ayon sa Comelec .
Binubuo ng dalawang personnel ang bawat team na tanggapin at magproseso ng aplikasyon at interview sa aplikante; isa bilang Acting Election. officer, na awtorisadong pangasiwaan ang oath of applications on-site.
Ayon pa sa Comelec, magkakaroon din sila ng hindi bababa sa limang Voter Registration Machine (VRM) operator; isang laptop operator para sa National List of Registered Voter (NLRV); dalawang tauhan na namamahala sa crowd management at hindi bababa sa isang tauhan ng Comelec Organic Security Force. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
Metro Manila mayors OK single ticketing system
Binigyan na ng go-signal ang final draft ng single ticketing system sa National Capital Region (NCR) ng Metro Manila Council (MMC) kung saan ang mga Metro Manila mayors ay pumayag ng ipatupad ang programa. “The Metro Manila mayors gave their go-signal for the implementation of the unified ticketing system. There was a […]
-
Minimum wage hikes sa Calabarzon at Davao region aprubado na rin – DOLE
INAPRUBAHAN na rin ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang daily minimum wage sa mga manggagawa sa Region IV-A. Ayon sa report ni Exequiel Ronnie Guzman, regional director ng Department of Labor and Employment (DOLE IV-A) may dagdag na P47 hanggang P97 ang matatanggap sa mga daily minimum wage earners. […]
-
Arrest order ng China simula na ngayon
TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tuloy lamang sila sa kanilang tungkulin sa kabila ng banta ng China na sisimulan na ngayon ang paghuli sa mga “trespassers” sa South China Sea at ilang lugar sa West Philippine Sea. Ayon kay AFP Public Affairs Office chief Col. Xerxes Trinidad, tuluy-tuloy […]