• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RAPE SUSPECT, NASAKOTE SA VALENZUELA

ISANG lalaki na wanted sa kasong rape ang nalambat ng pulisya sa isinagawang manhunt operation makalipas ang halos pitong taon sa Valenzuela City.

 

 

Pinuri ni Northern Police District (NPD) Director PBGEN Ulysses Cruz si Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, sa matagumpay na pagkakaaresto sa suspek na kinilalang si Edmund Jacinto, 25, residente ng Barangay Maysan at listed bilang isa sa mga most wanted person sa lungsod.

 

 

Ayon kay Col. Destura, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Valenzuela police na naispatan ang presensya ng suspek sa kanilang lugar.

 

 

Kaagad bumuo ng team ang SIS sa pamumuno ni P/Major Marissa Arellano saka nagsagawa ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa kanyang bahay.

 

 

Ani Major Arellano, isang 16-anyos na dalagita ang nagsampa ng kasong rape kontra sa suspek noong December 2016.

 

 

Si Jacinto ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong March 31, 2017 ni Presiding Judge Evangeline Francisco ng Valenzuela City Regional Trial Court Branch 270  para sa kasong rape at walang inirekomenda ang korte na piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan. (Richard Mesa)

Other News
  • ‘Deadpool and Wolverine’, other films earn R-16 rating by the MTRCB

    IF you’re considering taking your kids to watch “Deadpool/Wolverine,” you might want to reconsider as the highly anticipated film featuring Ryan Reynolds and Hugh Jackman has been rated Restricted-16 (R-16) by the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).       R-16 restricts viewership to those aged 16 and above, citing the film’s […]

  • PDu30 kay Robredo sa isyu ng VFA: Wala ka sigurong alam!

    “WALA ka sigurong alam!”   Ito ang buweltang tugon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte makaraang ihalintulad ni Vice-President Leni Robredo sa pangingikil ang paghingi niya (Pangulong Duterte) ng bayad mula sa US para sa pagpapatuloy ng mga aktibidad sa ilalim ng Visiting Forces Agreement (VFA).   Sinabi kasi ni Robredo na parang gawain lamang ito […]

  • Diaz focus muna sa gold sa 2024 Paris Olympics

    PANSAMANTALANG  isasantabi ni Tokyo Olympic Games gold medalist Hidilyn Diaz ang pagbuo ng pamilya kasama ang fiance na si coach Julius Naranjo.     Sasabak pa kasi ang tubong Zamboanga City lady weightlifter sa 2024 Olympics sa Paris, France kung saan hangad niya ang ikalawang sunod na Olympic gold.     “Yes, we’re planning to […]