• October 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rapid testing ‘di inirerekomenda ng DOH

Muling iginiit ng Department of Health (DOH) ang hindi nila pagrekomenda sa paggamit ng ‘rapid testing’ na ginaga­mit na basehan bilang clearance sa pagbabalik sa trabaho ng mga manggagawa dahil sa mataas na ‘false positive o false negative’ na mga resulta.

 

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na dati pa namang posisyon ng DOH ang hindi pagsalalay sa resulta ng rapid testing dahil sa mababang ‘accuracy’ nito at mas inirerekomenda ang RT-PCR test o swab testing para matukoy ang virus sa katawan ng tao.

 

“Doon sa return to work, sinabi talaga natin doon, na hindi natin nire-recommend na magkaroon ng mass clearing of employees using antibody rapid tests,” ayon kay Vergeire.

 

Iginiit ni Vergeire na kapag nag-negatibo, nagkakaroon na ng paniniwala ang isang tao na ligtas na siya sa virus ngunit dahil sa mataas na por-syento ng ‘false negative’ ay maaaring nagtataglay pala siya ng virus at nakapanghahawa na sa mga kasamahan.

 

Nitong Abril, hinikayat ng Department of Trade and Industry ang mga kumpanya na magbabalik sa operasyon na isailalim sa COVID tests ang kanilang mga tauhan para makatiyak sa kanilang kalusugan ngunit karamihan sa mga kumpanya ay ang rapid testing ang ginagamit.

Other News
  • KYLIE, binansagan na bilang ‘Thriller Queen’ kaya super react ang netizens

    ANG sexy at sensual ng photo ni Kylie Verzosa na kung saan siya ang cover girl ng Esquire Magazine PH for the month of September.     May tagline ito na ‘Thriller Queen’, dahil siguro sa pinag-uusapan na first lead role niya na erotic thriller film ni Direk Roman Perez na The Housemaid na hatid […]

  • TV5, sinimulan na ang pinakamahabang selebrasyon ng Pasko

    INUNAHAN na ng Kapatid Network, ang Kapamilya at Kapuso Network sa paglo-launch ng ‘pinakamahabang Pasko sa buong mundo’.     Dahil simula na nga ng BER months kahapon, September 1, may pinasilip nga ang TV5 para sa official na pagsisimula ng ‘Pasko 2021’ kalakip ang statement na ito:     “The “BER months” are upon […]

  • Ads March 27, 2021