‘Rastro’ fans nina RHIAN at GLAIZA, nabubuhay na naman dahil sa mga post nina KYLIE at ANDREA
- Published on July 24, 2021
- by @peoplesbalita
KUNG dati ay talagang may pag-iwas sina Dominic Roque at Bea Alonzo na mag–post na magkasama sila, ngayon, open na ang mga ito.
Nagpo-post na sila ng mga ganap nila habang magkasamang nagbabakasyon sa U.S. at tina-tag na rin nila ang isa’t-isa. Tulad nga ng recent camping nila.
In fairness sa dalawa ha, physically bagay ang mga ito. Ang ganda nilang tingnan together. Siguro nga kung ang pagbabasehan ng tulad ng ginagawa ng iba na sa status ng career ay hindi magka-level, bilang isang Queen na ang status ni Bea, e, ano naman, wala naman talagang level o status kapag love na ang pinag-usapan.
Iba naman ang level o status ha sa may nasasagasaan halimbawa may iba na palang karelasyon. Both single naman sila.
Marami rin netizens na kinikilig sa dalawa at nagko-comment na “kilig na kilig ako!” “rooting for them.”
Pero may netizen din na nakapansin na tila parang paligsahan daw ng mga ganap ang BeaDom at JuRalds naman na sina Julia Barretto at Gerald Anderson, huh!
***
HANGGANG ngayon, buhay na buhay pa rin ang mga naging fan nina Glaiza de Castro at Rhian Ramos dahil sa naging serye nilang The Rich Man’s Daughter.
Napakaraming naging fan ng dalawa at umasang totohanan ang mga roles nila.
Nabubuhay na naman ang mga fan nila na karamihan ay lesbian dahil sa mga post nina Kylie Padilla at Andrea Torres. Obviously, tulad nina Glaiza at Rhian, mga lesbian din ang characters na gagampanan nina Kylie at Andrea.
Nag-comment si Glaiza nang, “awooo” sa post ni Kylie. Ang dami na agad nag-comment kay Glaiza at halos iisa ang sinasabi, lahat ay nagtatanong dito kung kailan daw babalik ang Rastro.
“Glai, ‘wag mong sabihin na wala ng rastro?”
“Anong awoo te glai??? Di pa kami tapos sa rastro.”
“Waiting pa rin sa rastro comeback.”
“Sana di mo pa rin kami nakakalimutan, ‘yung mga rebels mo.”
Ang rastro ay ang nabuong pangalan ng mga fan ng “loveteam” nina Rhian at Glaiza.
(ROSE GARCIA)
-
Face to face classes, maaaring ilimita sa ilang oras lamang-Sec. Roque
MAAARING ilimita lamang sa ilang oras ang face-to-face classes sakali at aprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pilot testing ng “in-person classes” sa mga lugar na may low risk ng COVID-19 transmission. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nakatakdang magpulong sina Pangulong Duterte at ang gabinete nito ngayong Lunes, Pebrero 22 kung […]
-
88K deboto lumahok sa ‘Walk of Faith’ ng Nazareno
UMABOT sa tinatayang 88,000 deboto ang lumahok sa isinagawang prusisyon o “Walk of Faith” mula Quirino Grandstand hanggang simbahan ng Quiapo bilang bahagi ng Pista ng Itim na Nazareno nitong Sabado ng madaling araw. Ang pagtataya ay galing sa Quiapo Church command post. Masyadong maliit ito kumpara sa halos 450,000 na dumalo sa […]
-
Mga private school teachers kailangan din ng salary increase tulad ng public school teachers
TINULIGSA ni Deputy Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro ang Department of Education sa pagtanggi nito sa hinihinging salary increase ng mga guro mula sa public at private sectors. Ayon sa mambabatas, dismayado at nababahala siya sa pahayag ng DepEd na hindi prayoridad ang upgrading o dagdag sahod ng mga guro […]