Ravena biglang sumikat sa Asya sa paglalaro sa Japan
- Published on November 12, 2020
- by @peoplesbalita
NAGING instant celebrity o agad nakilala si Filipino basketball star Thirdy Ravena ng fans mula sa Asya at iba pang bahagi ng mundo nang magsimula itong maglaro sa Japan Professional Basketball League.
Ayon sa ulat, ang debut game nito bilang Asian import sa San- En NeoPhoenix na naka- streamed online ay umabot sa halos one million views bilang pagpapakita ng mga Pinoy ng suporta sa UAAP star.
Sa statement ng B.League, ang kabuuang bilang ng kanilang Live viewers sa English Facebook page at YouTube page ay pumalo sa halos 910,000, na may peak na simultaneous viewers na aabot sa 90,000.
Sinabi ng liga na ang malaking numbers ng viewers ay patunay na si Thirdy ay isang mahusay na manlalaro ng Asya.
Ipalalabas din ng live via FB at YouTube channel ang susunod na walong laro ni Ravena sa NeoPhoenix, ayon sa liga.
Naglaro sa kanyang debut game ang dating Ateneo star sa panalo ng San-En kontra Shimane Magic noong Sabado kung saan pumuntos ito ng 13 points at noong Linggo naman ay rumehistro ito ng halos double- double na 12 points at eight rebounds, pero kinapos ang San-En kontra sa kaparehong team.
-
LTFRB: May 35,515 na taxis at TNVS ang bumalik na sa operasyon
Pinayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang may mahigit sa 35,000 na taxis at transport network vehicle service (TNVS) units na mag operate upang magbigay ng serbisyo sa mga commuters sa Metro Manila sa ilalim ng general community quarantine (GCQ). May 18,514 na TNVS at 16,701 taxis ang pinayagan ng pumasada […]
-
Paul George nakaranas ng anxiety at depression sa NBA bubble
Ibinunyag ni Los Angeles Clippers star Paul George na dumanas ito ng depression at anxiety habang nasa loob ng NBA bubble. Isinagawa nito ang pahayag matapos talunin ng Clippers ang Dallas Mavericks 154-111 sa Game 5 ng first round ng NBA playoffs. Dagdag pa nito na na-underestimate niya ang kaniyang sarili kaya nakaranas […]
-
Transgender swimmer sa US na nangibabaw sa NCAA patuloy ang pag-ani ng batikos
PATULOY ang batikos na natatangap ni transgender athlete na si Lia Thomas na nakapagtala ng kasaysayan ng magwagi sa NCAA swimming championship. Si Thomas kasi ang unang transgender athlete na nakapag-uwi ng titulo ng magwagi sa 500 meter freestyle. Isa sa mga naghain ng protesta ay si dating Olympic swimmer […]